• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao on Piolo Pascual: 'Mas nagiging mabuting magkaibigan pa kaming dalawa'

Shaina Magdayao on Piolo Pascual: 'Mas nagiging mabuting magkaibigan pa kaming dalawa'

The actress shares trials in her life have given her more confidence.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

4/21/2013 10:05 PM
Shaina Magdayao on Piolo Pascual: 'Mas nagiging mabuting magkaibigan pa kaming dalawa'


042213-shaina_main.jpgNabanggit ni Boy Abunda sa interview niya kay Shaina Magdayao na napansin ng marami na parang ibang Shaina na ang humaharap ngayon sa camera, parang mas palaban na kumpara sa dati. Natawa lamang ang aktres at sinabi na nagkaroon lamang siya ng kumpyansa sa sarili dahil sa mga pinagdaanang unos sa kanyang buhay. “Mas sure lang ako sa sarili ko. Confidence lang ang naidagdag sa kin pero pareho pa din.” 

Nang tanungin kung tungkol ba ito sa buhay pag-ibig tulad ng sinasabing pagtatangi sa kanya ng aktor na si Sam Milby, ay napangiti si Shaina.  Ayaw daw niya magsalita sa bagay na ito. “Pero mas maganda po kung si Sam yung ano, yung magsalita. Pero nagpapasalamat ako na naappreciate nila ako.”

Nagbigay naman ng mensahe si Piolo Pascual na napapabalitang special someone niya ngayon sa pagkakaroon ni Shaina ng mga bagong proyekto tulad ng “Juan Dela Cruz” at pelikula sa Star Cinema kasama sina Bea Alonzo, Toni Gonzaga at Angel Locsin. “Shai is really blossoming into a beautiful woman. She is very matured sa edad niyang yun, nakita ko talaga yung growth niya, not just as a performer but also as a person. Shaina what can I say, may bago kang show, of course congratulations sa Juan Dela Cruz. You’re a beautiful person, inside and out. Thanks for the friendship and thanks for always being there for me. Just keep on wowing everyone with your performances and I’ll always be here for you. Alam mo yan.”  

Nagpasalamat ang dalaga sa narinig at sinabing nagiging mas mabuti pa ang samahan nila ni Piolo. “Maraming, maraming salamat sa napakagandang mensahe , Papa P. He’s always been a good friend naman to me. At ngayon nga mas nagiging mabuting magkaibigan pa kaming dalawa. At nagpapasalamat din talaga ko na mas gusto pa niya ako makilala.” Naging mas malapit ang dalawa dahil na din sa pelikulang “OTJ” kung saan ginampanan ni Shaina ang papel ng asawa ni Piolo. Mas matured na Shaina din daw ang mapapanood dito dahil parang ang love scene daw nila ni Piolo ang highlight ng kanyang pag-cameo sa movie. “Parang ang partisipasyon ko lang ata ay ang love scene naming dalawaPinakawala na ata akong matatago kina Direk at tsaka kina Papa P habang ginagawa yun. Lakas na lang ng loob sabi ko eto nay un daanin ko na lang po sa confidence.”  

Samantala masaya naman daw si Shaina sa pagkakasama niya sa “Juan Dela Cruz” at makakatrabaho na niya sa wakas si Coco Martin. Isa daw “honor” ang makasama sa isang serye si Coco dahil isa ito sa magaling na aktor sa industriya ngayon. Nagpasalamat din si Shaina sa management ng ABS-CBN dahil ipinagkatiwala sa kanya ang mga bago niyang proyekto.