• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu: 'Madali magpatawad pero mahirap kalimutan yung ginawa nila sa kin'

Kim Chiu: 'Madali magpatawad pero mahirap kalimutan yung ginawa nila sa kin'

In a one-on-one interview with Boy Abunda, the actress revealed she doesn't easily trust people.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

4/21/2013 10:12 PM
Kim Chiu: 'Madali magpatawad pero mahirap kalimutan yung ginawa nila sa kin'


042213-kim_main.jpgSa isang exclusive birthday interview ni Boy Abunda sa "The Buzz" kay Kim Chiu nitong Linggo ay isiniwalat ng aktres ang pinagdaanan niyang mga pagsubok sa buhay ngayong 23 years old na siya. Mahirap man, wala daw pinagsisisihan ang dalaga at imbes na mainis ay nagpapasalamat pa nga raw siya sa mga ito. “Sa ‘kin wala  akong nireregret sa mga pinagdaanan ko sa buhay, ni isa, kasi thankful ako na nangyari sa akin yun, at this early age. Naharap ko sila at nalampasan ko isa-isa. Kasi yung iba darating yung problema matanda na sila, so ako bata pa lang humarap na ko ng mga problema. From my parents, down to my friends and sa lahat ng mga nangyayari sa buhay, and ayun thankful ako kasi ganito na ako tumayo ngayon.” 

Inspirasyon daw ni Kim ang kanyang mga kapatid kaya’t pinasok niya ang mundo ng showbiz. At sa magulong mundo na ito, tanging sila din ang kanyang sinasandalan. “Sa lahat ng mga nangyayari wala ka talagang ibang mapagkakatiwalaang tao kundi pamilya mo. And na prove ko yun kasi sa lahat ng nangyayari andyan yung mga kapatid ko.” Sa Diyos din siya madalas bumaling sa oras ng problema at masaya si Kim dahil binibigyan siya ng lakas ng nasa itaas hanggang ngayon. 

Pagdating naman sa mga kaibigan, inamin ni Kim na hindi siya madaling magtiwala sa tao dahil noong bata pa siya ay marami silang lugar na pinaglipat-lipatan kaya naman hindi siya nakapagtatag ng matibay na relasyon sa mga kaibigan. “Hindi kasi ako nagtitiwala masyado sa kaibigan. Kung may pagkakatiwalaan akong kaibigan, isa lang o dalawa lang kasi I’m not used to having a friend kasi sa buhay ko palipat-lipat kami ng lugar, iba ibang cities ako nag-aaral so I don’t usually have a best friend. Bilang kaibigan bibigay ko lahat, kwe-kwento ko lahat and I’ll treat you like a brother or a sister.” Tumira ang pamilya ni Kim sa Tacloban, Cebu, Manila, Mindoro, Gen. Santos at Cagayan kaya nasanay siya na walang permanenteng kaibigan. “Siyempre ma-attach ka dun sa kaibigan mo, o kaya after nun palipat-lipat na kami, I don’t usually trust or usually don’t have a best friend. Kaya okay lang kahit wala.” 

Napagusapan din nina Boy at Kim kung paano maging isang girlfriend ang tulad ng aktres. “’Pag nagiging girlfriend naman, siguro ibibigay ko lahat para ‘pag nag hiwalay,di ako nagkulang. Para hindi ako yung mali. Parang ganun, kasi at the end, pag natapos yung relationship, ay ‘di ko ginawa kasi ‘to, ay ‘di ko ginawa ‘yan. So, for me kapag nag-love ako bubuhos ko na.” 

Napunta na ang usapan sa dating boyfriend na si Gerald Anderson. Umamin naman si Kim na nasaktan siya sa nangyari sa kanila ng kanyang ex pero nakaraan na daw ang lahat ng iyon. Alam ni Kim na may rason kung bakit nagkaganoon ang relasyon nila ni Gerald. “But ‘yun nga laging nasa isip ko, everything happens for a reason, you won’t meet that person if he has no purpose in your life. He or she has no purpose in your life. Kaya nangyari yun kasi it will teach you a lesson.”  

As for the lessons she learned in love, sabi ni Kim na ‘wag dapat pagsisihan ng isang tao ang nangyari sa kanya, maging malungkot o masaya man ito. “’Pag dating sa pag-ibigwag mo pagsisisihan lahat ng nangyari. Kasi sa love ‘di naman lahat happiness, ‘di lahat sadness. ‘Yun nga you will always have a lesson in you that you will keep inside ng matagal, na parang after everything that has happened, eto na ko.” 

Naungkat na din ni Boy ang kanilang ‘di pagkakaunawaan ni Maja Salvador na dating malapit na kaibigan at kasama ngayon sa top-rating teleserye na “Ina, Kapatid, Anak.” Nagkaroon ng ‘di paguunawaan sina Kim at Maja nang sumabog ang balitang dine-date ni Gerald si Maja. Inamin ni Kim na professionalism ang nananaig sa kanya ngayon sa set ng serye kaya’t maayos nilang nagagampanan ni Maja ang kanilang mga roles. “Professionalism siguro, number one. And sa pagmamahal ko sa trabaho ko. Kaya ganun.” 

Naging emosyunal din ang aktres nang tanungin kung napatawad na  ba niya ang mga kaibigan. “No. Siyempre madali magpatawad pero mahirap kalimutan yung ginawa nila sa 'kin,” ang naging madamdaming sagot ni Kim. Alam din ni Kim na balang araw ay magkakaayos sila pero panahon lang ang makakapagsabi kung kelan ito. “Oo naman, wala namang nangangarap magkaroon ng pangit na buhay. Pero time will fly and siguro 'di pa ngayon.” 

On a lighter note, napatawa si Kim noong tanungin siya ni Boy kung officially ay sila na ba ng kanyang on screen partner na si Xian Lim. “Uhm, ‘di ko masagot ‘yan eh pero masaya ako nandiyan siya…Thankful ako na andiyan siya for me.”