• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban on John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo tandem: 'Actually mas bagay sila kaysa kami'

Angelica Panganiban on John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo tandem: 'Actually mas bagay sila kaysa kami'

The actress says she is proud of John Lloyd and Sarah's achievement.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/21/2013 9:52 PM
Angelica Panganiban on John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo tandem: 'Actually mas bagay sila kaysa kami'


042213-angelica_main.jpgKamakailan sa Instagram account ni Angelica Panganiban, nag-post siya ng litratong hinahalikan niya sa pisngi ang kanyang ina, na nagdulot ng mga usap-usapang may dinaranas na karamdaman ito. Kaya naman sa ekslusibong panayam ng Cinemanews kay Angelica Panganiban, inamin nito na may pinagdaraanan lang ang kanyang mommy. “Wala naman, may pinagdadaanan lang. Siyempre bilang anak nandun ako lagi sa tabi niya. Okay naman lahat, mas nakakapag-bonding kami.” At nakasuporta lang ang kanyang karelasyong si John Lloyd Cruz sa pagsubok na dinaraanan niya ngayon sa kanyang pamilya. “Bilang boyfriend, gusto niya nandoon siya sa tabi ni Mommy.”

Tumanggi mang magdetalye pa si Angelica sa pinagdaraanan ng kanyang ina, bukas naman ito sa kung gaano siya kasaya sa tagumpay ng kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz sa pelikulang “It Takes a Man and a Woman” na tinagurian nang 2nd highest-grossing Filipino film of all time kasama si Sarah Geronimo, “Nakakakilig, nakakatuwa. Talagang pinatunayan nilang dalawa na walang makakatalo sa kanila.” 

Sa mga naging panayam kay John Lloyd at Sarah, inamin nang dalawa na mas naging malapit sila sa isa’t isa dahil sa pelikula at marami ang kinikilig sa kanila. Kaya naman sa tanong na kung nagseselos ba si Angelica, ang naging sagot nito ay, “Mahirap naman pag-selosan, saka baka makalaban ko buong mundo kapag nagselos ako.” At ang nakaka-intrigang sinagot pa ni Angelica, “Actually mas bagay sila kaysa kami.”

Inamin din ni Angelica na may mga natatanggap sila ni John Lloyd na alok na gumawa ng proyekto ng magkasama. Sa mga naunang panyam sa aktor, sinabi na nitong magiging mahirap na ngayon dahil hindi niya na kaya ang umarte sa harapan ng girlfriend, kahit na nagkasama na sila noon sa pelikulang 24/7 In Love. Inamin din ni Angelica na tinatanggihan nila ang mga alok na ito dahil, “Baka hindi namin kayanin e.” Ngunit hindi naman isinasara ng dalawa ang kanilang dalawa sa mga oportunidad na tulad nito, “As of now hindi kami nagasalita ng tapos.”