Nitong Lunes sa Amerika, inawit ni Jessica Sanchez ang U.S. national anthem na "The Star-Spangled Banner" para sa 135th Easter Egg Roll event sa White House kasama ang Unang Pamilya.
"It's Jessica Sanchez, everybody. Let's give her a big round of applause," sambit ni Presidente Obama matapos ang pag-awit ni Jessica.
Sa Twitter, inamin ni Jessica ang kaba bago ang kanyang pagkanta.
Matapos ang maayos nyang pagkanta, sinabi naman ni Jessica ang kasiyahang makilala ang Pangulo at pamilya nito.
"Just met the first family! Ahh feelin so blessed!"