Cristine Reyes and Ara Mina reconcile after year-long tiff

Cristine Reyes and Ara Mina reveal on Twitter that they have forgiven each other for all the bad things that transpired between them.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

4/2/2013 9:39 AM
Cristine Reyes and Ara Mina reconcile after year-long tiff


040213-cristine_main.jpgMatapos ang isang taong hindi pagkakaunawaan nagbati na din sa wakas ang magkapatid na si Ara Mina at Kapamilya star na si Cristine Reyes.

Ibinahagi ng magkapatid ang kanilang pagbabati sa Twitter at Instagram nitong Lunes.

Nag-post ang dalawa ng kanilang larawan na magkayakap.

"With the gift of listening comes the gift of healing. #appointedtime #blood #forgiveness #sisters #happiness," ani Cristine.

"Just like the rainbow after the rain. A good thing will always happen after you experience the pain.#sisters #blood #forgiveness #happiness #reunited," ayon naman kay Ara.

Sinasabing nagkabati ang dalawa sa isang family gathering kamakailan lang.

Matatandaang nagkaroon ng away ang dalawa noong nakaraang taon dahil sa usapin ng pera at sa tindi ng paninira umano ni Cristine laban sa pagkatao ng kapatid na si Ara.

Hindi nagtagal ay nagsampa ng kaso si Ara sa kanyang kapatid.

Sinabi noon Cristine na hindi basehan ang mga pinadala niyang text kay Ara at sa iba pang indibidwal para sampahan siya ng kasong libelo.

-Photos courtesy of Cristine Reyes's official Instagram account.