• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Yap says that being in showbiz made him closer to his wife and kids

Richard Yap says that being in showbiz made him closer to his wife and kids

Contrary to the popular belief, Richard Yap reveals that his busy showbiz schedule has drawn his family even closer together.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/19/2013 9:05 AM
Richard Yap says that being in showbiz made him closer to his wife and kids


041913-richard_main.jpgMarami pa rin ang humahanga na sa edad ni Richard Yap na 45 years old, napapanatili niyang maganda ang kanyang katawan at kakisigan. Kaya naman sa mga kinikilig sa kanyang pagganap bilang Sir Chief sa phenomenal serye na Be Careful with my Heart. Ibinahagi naman niya ang kanyang ginagawa sa pagpapanatili ng kanyang magandang katawan. “Well you really have to work out, you really have to watch what you eat. I really don’t have time to go to the gym so I just exercise home before I leave in the morning. Dumbbells, push-ups, and crunches, 10 to 15 minutes. And when I really have the time, I do cardio like bike but that’s usually what I do.”

Kahit na marami na ang nagsasabi at pumupuri sa kanyang pangangatawan, taliwas pa rin yun sa sariling paniniwala ni Richard. Nang matanong kung may mga pagkakataon ba na hindi niya napipigilang ikumpara ang sarili niya sa iba at mabilib mismo sa kung ano ang meron siya, aniya, “Hindi naman. In fact, I feel that I am not as told as I should be.”

Kahit kung sa palagay niya ba ay sexy siya at kaakit-akit, patunay na ang maraming humihiyaw, kinikilig at napapalingon sa kanya sa kanyang presensiya, ang nangingiting sagot ng aktor, “Not really. I don’t think of myself [in that way] actually. I don’t even think of myself as ganun.”

Pagdating naman sa pamilya ni Richard, prioridad niya ang kanyang asawa at dalawang anak bago pa man ang lahat. Kaya naman para sa kanya, maganda din ang naidulot ng kanyang trabaho ngayon para mas maging malapit silang magpapamilya. Taliwas ito sa sinasabi ng ilang balita na dahil sa sobrang pagkaabala ni Richard sa trabaho, nawawalan na diumano ng oras ito sa pamilya. Aniya, “We’ve grown closer together because of the business kasi lagi na lang kami ang magkasama. Kasi before, like when I was still working, I have time to work out pa na mag-gym ako or go billiards with my friends. Ngayon wala na talagang oras, trabaho-bahay, trabaho-bahay. Kaya we have grown closer together which is good for us.” 

Marami rin ang nakakapansin na laging kasama ni Richard ang asawang si Melody, pero giit nito, “Hindi naman lahat. Minsan kasi on the set hindi na siya masyadong sumasama on the set kasi she has to take care of the kids also pero yun lang.” Dahil walang PA o personal assistant si Richard at siya lang mag-isa kapag may mga tapings siya o shooting, ang asawa na niya ang tumutulong sa kanya maghanda ng kanyang mga kailangan. “She takes care of me. She prepares my things especially kapag nasa out of town kami tapos kapag walang stylist, walang makeup artist, siya na ang gumagawa sa akin nun.”

Pagdating naman sa kanyang dalawang anak, naibahagi ni Richard na nasasanay na rin ang kanyang dalagang si Ashley na 16 years old at bunsong si Dylan na 10 years old sa pagbabagong nangyari sa kanila dahil sa kanyang pagpasok sa showbiz. “Parang nasasanay na rin sila, they step out of the way.” Sila na mismo ang kumukuha ng litrato kapag magkakasama sila at may mga tagahangang lumalapit at gustong magpakuha ng litrato kasama ang kanilang daddy.

Ibinahagi din nito na kahit sa eskwelahan ng dalawang bata napapansin siya. “Mostly sa mga parents at mga teachers pero sa students hindi naman masyado.” 

Kaya naman bilang magulang, payag ba siya kung saka-sakaling gusto din ng kanyang mga anak na pumasok sa showbiz? Strikto si Richard pagdating dito. “Siguro after they finish their studies. Gusto ko muna they finish their studies.”