James Yap admits missing son Bimby

The cager posts on his Instagram account how much he misses his son with Kris Aquino.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

4/19/2013 12:32 PM
James Yap admits missing son Bimby


041913-james_main.jpgHalos isang buwan matapos pumutok ang away ng dating mag-asawang si Kris Aquino at James Yap, inamin ngayon ng basketbolista na miss niya na ang kanyang anak na si James Yap Jr. o kilala din bilang Bimby na nagdiriwang ng kanyang ika-6 na taong kaarawan ngayong Biyernes.

"Jamesyap18 i miss holding your hand, i miss giving u a hug. Kahit anong mangyari, lagi mo tatandaan na mahal na mahal ka ni papa! Happy birthday babyJames!! #flashbackfriday," ani James gamit ang kanyang Instagram account nitong Biyernes. 

Matatandaang pinagbawalan ng korte si James na makalapit sa kanyang anak na si Bimby at sa dating asawa at mga kasamahan nito sa bahay dahil na din sa temporary protection order (TPO) na isinampa ni Kris laban sa kanya matapos di umano niyang ipilit ang sarili sa aktres noong December 3, 2012.

Itinanggi niJames ang bintang ni Kris at iginiit na tanging ang pagiging ama lang sa kanilang anak ang nais niya.

Pagkatapos ng TPO, hiniling naman ni James na mabigyan ng hold departure order si Kris at anak na patungo noon sa Europa.

Hindi kinatigan ng korte ang hiling ni James at tuluyang nakapagbakasyon si Kris at mga anak nito sa Europe ng dalawang linggo.

Pagbalik sa bansa ay ipinagpatuloy naman ni Kris ang kanyang obligasyon sa ABS-CBN.

Photo courtesy of James Yap's official Instagram account