Bilang anak ng beteranang si Sylvia Sanchez, naging natural na lang ang kanyang nabuong pagmamahal sa pag-arte at paga-artista. “May time kasi na Esperanza pa lang talaga I wanted na. May times na nage-Esperanza si Mommy, sumasama kami sa taping, tapos pumupunta kami dun, tapos pag pack-up na yung taping at umuuwi kami, kinukuha ko yung script ni Mama tapos ginagaya ko si Ate Juday (Judy Ann Santos) without them knowing na umiiyak ako sa bahay ganun. Mga seven to eight pa lang ako nun gustong-gusto ko na.”
Ngunit kahit anak siya ng artista na maaring magamit bilang koneksyon para mas mapabilis ang pag-angat sa showbiz, kinaharapan pa rin si Arjo ng hirap upang mapansin. Una na dito ang hindi pagsang-ayon ng kanyang ina na makapasok sa showbiz. “So sinabi ni mama, ‘Sige pagkatapos mo ng high school.’ So pagdating ko ng high school sabi ni Mommy college na. So nainip nanaman ako. Tapos nung pumunta ako ng college sabi ko, ‘Ma your choice.’ Pero nag-audition ako ng nag-audition sa ABS, hindi ako natanggap. 14, 16, 17 years old, 19 years old yun yung last ko, I went 4 times tapos nawalan ako ng gana. 19 yung last ko hindi pa rin.”
At dahil sa nangyaring ito, tuluyang nawalan ng gana si Arjo at ipinagpatuloy na lang na pag-aralan ang negosyo na kanilang pamilya. Ngunit dahil sa nais niyang mag-artista at umarte, pumasok siya sa public workshop ng Star Circle hanggang sa tuluyan na siyang napansin at yun na ang naging simula ng kanyang karera sa showbiz. Kaya naman nang natanong siya kung ano sa kanyang palagay ang dahilan kung bakit siya napili, “Hindi ko alam pero wala namang nasabi sa akin kung bakit ako napili. Siguro naman, ang best thing na pwede kong gawin ngayon is to deliver ang gusto nilang makita kasi nag-handpick sila at pinili ako.”
Maraming nagsasabi na hindi naman niya na kailangan pang pumasok pa ng showbiz dahil mula siya sa kilalang angkan ng mga negosyante. “Siyempre meron namang iba’t-ibang rason ang mga tao para pumasok sa industriya. Pero my reason is I loved it from the very start, since I was thinking straight na, since I was seven. Hindi nawala sa akin nawala yung sa pag-acting. So siguro yung sa akin, kung meron isang artista na hindi kailangang bayaran, that’s me. Kasi first of all gustong-gusto ko yung ginagawa ko. I like what I’m doing and parang naglalaro lang ako hindi ko feel na trabaho, enjoy lang.”