• Home
  • Fresh Scoops
  • Jhong Hilario shares his thoughts on waiting for almost two years for 'Little Champ' to air

Jhong Hilario shares his thoughts on waiting for almost two years for 'Little Champ' to air

Jhong Hilario says that they are just so thankful for the opportunity to work on the show.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/16/2013 8:47 AM
Jhong Hilario shares his thoughts on waiting for almost two years for 'Little Champ' to air


041613-jhong_main.jpgBalik teleserye si Jhong Hilario sa Little Champ kung saan ang kanyang role ay naiiba sa karakter niya sa Mara Clara na tumatak sa isipan ng mga manonood. “Well unang-una mabait ako dito kaya yung adjustment hindi naman ganun kalaki kasi nakagawa na rin naman na tayo ng mga mababait na role dahil nahasa na rin ako sa Maalaala Mo Kaya. Dahil nakailang MMK na rin naman na ako so yung adjustment hindi na ganun kalaki and lahat naman yan napag-aaralan. Kaya ako inaral ko talaga yung character ko.

Napaka-personal din kay Jhong ang kanyang ginagampanan sa serye dahil malapit ito sa kung ano siya sa likod ng camera. “Alam ko na wala pa akong anak pero dito tatay na ako pero sa dami ng pamangkin ko—I have 27 nephews and nieces—na nakita kong lumaki kaya hindi mo rin maalis sa akin na alagaan sila, ilabas sila, ilibre, bigyan sila ng mga toys. Kaya hindi na naging mahirap yung adjustment.”

Napag-usapan din ang karanasan niyang makatrabaho ang beteranong aktor na si Sen. Lito Lapid. Inamin niyang isa na siya sa mga humahanga sa action star noon pa man. Aniya, “Dream come true kasi isa siya sa mga motivation ko para mag-aral ng tumbling and Ben Tumbling pa lang idol na idol ko na yan. Lumalabas sa bahay ng umiikot yun. And isa pa action star at kung pag-uusapan ang kasikatan, sobrang sikat siya dati pagdating sa action. Kaya ako bilanghindi naman baguhan pero nagsisimula mag-lead e sobrang sarap ng experience.”

At sa patuloy na magagandang reaksiyon mula sa mga manonood ng Little Champ, taos-puso ang pasasalamat ni Jhong dahil nakikita niyang paghihirap ibinubuhos ng kanyang mga kasamahan dito ay unti-unting nababayaran dahil sa magandang ratings din nito. “Thank you sa mga lahat ng sumusuporta kasi hindi nila alam yung hirap na pinagdadaanan namin sa project na ito. Biruin mo almost two years na namin ginagawa ito, kaya ganun na lang umiyak yung mga Executive Producers namin. Yung mga producers namin sobrang pinaglalaban nila yan sa management, yung gastos at sobrang naguguluhan sa dami-dami ng artista minsan hindi nagkakatugma-tugma.”

Napunta na rin sa usapang ito, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na halos umabot na sa dalawang taon bago ipalabas ang Little Champ kaya kinunan ng Push ang reaksiyon ni Jhong dito. “Kasi ganun naman ata talaga sa lahat ng aspeto ng trabaho na minsan may politics din, ‘di ba? At minsan kung sabihin ng management na hindi ka eere, wala kang magagawa. Kung sinabi ng management na ito muna ang mauna wala tayong magagawa dun. Mga ano lang tayo, nagtatrabaho lang tayo, sila pa rin ang masusunod.

Pero sa lahat ng ito, muling nagpapasalamat si Jhong sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng kapamilya network, “Sobrang thankful kami na nag-go signal sila na, okay na pero napaka-ikli ng panahon pero ang gandang formula din ng nangyari kasi yung mga tao yung mga sumusubaybay. ‘Ano ba yang Little Champ na yan?’ Kaya naexcite din sila, wala masyadong promo pero ilalabas na agad kaya I think malaking factor ang pagbabalik ni Sen. Lito Lapid.”