Vice Ganda on his love life: 'Masaya ang puso ko'

The comedian denies having a relationship with one of his show dancers.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

4/14/2013 9:58 PM
Vice Ganda on his love life: 'Masaya ang puso ko'


041513-vice_main.jpgNaiintriga na naman si Vice Ganda at ang kanyang love life dahil sa ilang litratong nagkalat sa Internet kung saan ay may isang lalaki na lagi niyang kasama sa kanyang mga lakad lately. Mabilis naman na ipinaliwanag ni Vice kung sino ang lalaking ito sa panayam ng "The Buzz" sa kanya. "Si John, anak-anakan ko. Dancer ng G-Force yun. Nakakaloka. Kasama ko siya araw-araw kasi magbabarkada kami. Kahit saan di ba bitbit ko yung barkada ko. Saan man ako pumunta, kasama ko sila." 

Hindi na raw masyado pinapansin ni Vice ang mga nangiintriga sa kanya lalo na pagdating sa kanyang buhay pag-ibig. Kaya sa mga nagtatanong sa estado ng kanyang love life, ito lang ang kanyang masasabi, "Happy ako. Masaya ang puso ko." 

Naging busy din si Vice sa kanyang proyekto na Vice Ganda Cup, kung saan ilang personalities at schools ang sumali sa kanyang mini-volleyball competition na ginanap ang grand finals nitong Linggo din ng gabi sa FEU gym. Marami pang naghahangad na sumali sa tournament kaya balak ni Vice na gawin muli ito sa mga susunod na taon. "I swear and I promise na hindi ito ang kahuli-hulihang Vice Ganda Cup. Sa mga susunod na taon magkita-kita tayo and we will make this event one of the biggest volleyball events dito sa Pilipinas."