• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo credits success to obeying her parents' wishes

Sarah Geronimo credits success to obeying her parents' wishes

The Popstar Princess says God indeed blesses those who honor their parents.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

4/14/2013 10:07 PM
Sarah Geronimo credits success to obeying her parents' wishes


041513-sarah_main.jpgSa tagumpay ng pelikulang "It Takes A Man and A Woman" nagbalik si Sarah Geronimo sa The Buzz para sa isang interview upang magpasalamat sa lahat ng tumangkilik ng kanyang movie. Nagwish daw si Sarah na malagpasan pa ng pelikula nilang ito and previous installments ng kwento nina Miggy at Laida pero sa umpisa pa lang ay masaya na siya dahil maganda talaga ang storya nito. "Sabi ko nga pagkatapos na naming gawin yung pelikula, natapos na yung dubbing at sigurado lang ako, na mas mamahalin nila itong si Miggy at si Laida. Siyempre hoping na malagpasan, masurpass, pero sabi ko ok na ko kasi napakaganda ng material namin. Maipagmamalaki talaga," kwento niya sa Buzz hosts na sina Toni Gonzaga at Charlene Gonzales. 

Nabanggit ni Toni na ibang klase ang chemistry nila ng kanyang kapareha na si John Lloyd Cruz at iba ang kinang ng mga mata ni Sarah kapag ang aktor ang kasama niya sa isang project. "Hindi ko din alam," natatawang pagsagot ni Sarah. " Si Lloydie kasi yung taong mabilis matuwa sa isang tao. Sa tingin ko yun lang yun." 
 
Tinanong din ni Charlene paano ba nahahandle ni Sarah ang mga success na dumarating sa buhay niya tulad ng kanyang nomination sa World Music Awards kung saan siya ang unang Filipinong nakasama sa prestigious award giving body. Nominated si Sarah para sa World's Best Female Artist, World's Best Live Act at World's Best Entertainer of the Year. Co-nominee pa niya si Rihanna sa unang category na nabanggit. "Sobra. I didn't know it was even possible...," sagot ni Sarah habang ginagaya ang kanyang character na si Laida.  

Pero sa seryosong pagsagot sa tanong tungkol sa wish niya sa kanyang buhay, sabi ni Sarah, "Pagdating sa success mo, sa career mo, kung ano ang ibinibigay mo sa tao naibabalik sa yo, sobra-sobra pa. D'un ko siya tinitignan. Siyempre may mga bagay na personal, na sa sarili lang natin yun pero , tignan mo na lang kung ano yung sobra-sobrang ibinibigay sa 'yo ng Diyos. Reminder na 'di mo na kailangan maghanap pa...Tao lang tayo. Alam mo yun lahat tayo mayroon nung 'ay...' may mga ganun -- pero di po love life ito ha. Mas personal."

Dagdag pa ni Sarah very thankful siya sa suporta ng pamilya at mga fans niya. "Siguro having the kind of family that I have. Tsaka siguro yung mga supporters ko. Yung mga magulang ko talaga." Nasabi tuloy ni Toni na pareho sila ni Sarah na "she puts God first and honors her parents, siya at ako" na ikinatawa pati ng singer-actress. "Iba yung reward na ibibigay ng Diyos sa iyo kapag sinusunod mo yung mga magulang mo," ang pahabol na lang ni Sarah sa sinabing ito ni Toni.  

Nagpasalamat si Sarah sa mga naging bahagi ng "It Takes A Man And A Woman," mula sa director na si Cathy Garcia-Molina, sa staff and crew and specially sa kanyang ka-partner na si John Lloyd. "Sa aking leading man, John Lloyd Cruz, napakagaling. Thank you, thank you so much at tayo'y nagkasama ulit at na restore ang ating friendship. Ang magandang pagkakaibigan. Salamat." 

Magiging abala naman si Sarah sa mga susunod na Linggo dahil sa kanyang new projects sa TV na "Sarah G Presents" and "The Voice." Aminado si Sarah na excited at kabado siya at the same time sa paninimula ng bagong singing-reality show ng ABS-CBN. "Sobrang kinakabahan po ako pero I'm lucky nabigyan po ako ng chance na makasama sina Ms. Leah (Salonga), si Bamboo, si Apl D Ap as one of the coaches. Grabe, big word 'Coach!'"