Precious Lara Quigaman talks about taking on mother roles

Precious Lara Quigaman shares the joys of motherhood and how it made her and husband Marco Alcaraz become even closer.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/13/2013 8:00 AM
Precious Lara Quigaman talks about taking on mother roles


041313-precious_main.jpgSa muling pagbabalik telebisyon ng Ms. International 2005 na si Precious Lara Quigaman sa teleseryeng Little Champ, natanong siya kung may nadarama ba siyang kaba o pressure na mapanatili ang lakas sa ratings ng kanyang mga kinabibilangang programa. “Hindi naman masyado kasi malakas din naman ang tiwala ko sa mga kasama ko, kina Jhong (Hilario), kina Senator (Lito Lapid), yung bata and the rest of the cast. Hopefully kung hindi man mapantayan yung iba, mas mapalakas pa namin yung previous kong mga naging telesrye.”

Nagpapasalamat din siya sa mainit na pagtanggap ng mga manood sa kanilang teleserye. Dagdag pa ni Precious Lara, “Yung story kasi niya… nakikita mo yung visuals niya sobrang pambata at yun yung time time na either yung mga bata nasa labas ng bahay o nasa loob ng bahay so nakakatuwa kasi ang dami naming naririnig na yung mga anak nila na imbes na naglalaro sa kalye by that time, pumapasok na at nanonood na sila.

Bihasa na ring gumanap bilang isang ina si Precious Lara pero ngayon na siya mismo ay isa na ring ganap na ina, binanggit nitong mas iba na ang kanyang pagtingin sa pagganap bilang isang nanay. “Sinasabi ko nga before at halos lahat na rin naman ng mga roles ko before mommy na talaga. Pero this time, kapag may mga ganung role, ganun pala talaga ang mararamdaman mo kasi ngayon alam ko na yung mafe-feel ko kapag ganun yung nangyari sa anak ko. So definitely mas malapit at matagal na namin ginagawa kaya at home na at home na ang nararamdaman ko dito.”

At nang kinamusta ng Push ang karanasan niya bilang isang ina sa ngayon, tuwang-tuwang nag-kwento si Precious Lara. “Sobrang hirap umalis ng bahay tapos ngayon talaga wala kasi kaming yaya. Nag-decide talaga kasi kami ni Marco (Alcaraz, ang asawa ni Precious) na walang yaya so ngayon siya yung nandun, siya yung nag-aalaga kapag ako may work. At ako naman ang nasa bahay kapag siya naman ang may work. Kapag pareho kaming wala, either sinasama ko or naghahanap kami ng kamag-anak na free na pwedeng magbantay saglit. Ang sarap, ibang klase yung joy, hindi mo ma-explain. Sa mga nanay naiintindihan nila pero yung mga walang anak hindi mo ma-explain sa kanila kung anong klaseng joy ang meron kapag may anak.” 

Ngunit ang nangingiting kwento ni Precious Lara tungkol sa asawang si Marco, “Actually si Marco, gusto niya na mag-yaya kasi nahihirapan siya kapag siya lang mag-isa pero sabi ko hintayin muna natin siyang mag-six months.”

At ibinahagi din nito ang hindi niya masyadong magandang karanasan nang kumuha siya ng yaya noon. “Kasi kumuha kami ng one week lang na yaya e ako lang din naman ang nag-aalaga wala ding ginagawa yung yaya sa bahay. Tapos nang-aaway pa ng iba naming kasama kaya sabi ko huwag na lang muna. Pero kapag six months na, kapag talagang yung work ko full load na so definitely kailangan na talaga. Kung isasama ko man yung yaya at least may tutulong-tulong sa akin.”

Hindi na rin naging mahirap sa mag-asawa ang pagkakaroon nila ng anak sa simula pa lang ng kanilang pagsasama. Aniya, “Actually, hindi kasi 2011 pa lang kasal na kami, bago pa kami nagkaroon ng big wedding. So medyo nasanay na rin kami sa isa’t isa at ngayon na may baby na, mas madali din na magkasama kami. Iba na talaga kapag may baby na, mas yung bond naming dalawa mas naging strong talaga.”