• Home
  • Fresh Scoops
  • Rayver Cruz on Cristine Reyes: 'Mahal ko pa rin siya as a friend'

Rayver Cruz on Cristine Reyes: 'Mahal ko pa rin siya as a friend'

Rayver Cruz says that he and Cristine Reyes are just good friends now.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/12/2013 9:18 AM
Rayver Cruz on Cristine Reyes: 'Mahal ko pa rin siya as a friend'


041213-rayver_main.jpgSa mga nakakakita ngayon kina Rayver Cruz at Cristine Reyes, maraming natutuwa na sa kabila ng pagiging dati nilang magkarelasyon, napapanatili nila ang kanilang magandang samahan bilang magkaibigan. “Hindi naman nabawasan pero nandun pa rin kapag nagkikita kami sa set parang ganun pa rin dati, close pa rin. Hindi na nga lang kasi kami after work na laging magkasama pa rin na ihahatid ko siya sa kanila and pag may libreng [time]  magkikita kami ng personal. Hindi na lang yung ganun kasi hindi na kami, pero nandun pa rin yung friendship.” At ang maganda sa kanila ay wala silang nararamdamang ilangan sa isa’t isa.

Ngunit marami din ang nagtataas ng kilay at nagdududa sa kanilang tunay na samahan. Kaya naman nang tanungin ng Push si Rayver na papaano kung sa sobrang lapit nila sa isa’t isa ay manumbalik ang kanilang dating pagtitinginan, “Hindi naman tayo nagsasalita ng tapos pero kung kayo, kayo. Kahit anong gawin niyo, kahit anong hiwalay niyo, kung sa bandang huli kayo, kayo. Kung hindi, ‘di ba? At least ngayon okay na magkaibigan kami. Happy ako sa takbo ng career naming dalawa plus siya, ang daming endorsements.”

Magkaibigan man at kumportable sa isa’t isa, inamin niyang hindi sila masyadong bukas sa nangyayari sa buhay ng bawat isa, “Hindi naman yung sobrang open na lahat sinasabi pero siyempre yung kapag nakakapag-kwentuhan kami parang ganun pa rin. Kasi bago naman kami naging ni Cristine, ever since magkaibigan [na] kami. Matagal kaming naging close friends so yung foundation ng pagkakaibigan namin nandun pa din.

Dagdag pa ni Rayver, “Sa ngayon kasi sa kahit na anong relasyon, kapag naghiwalay kayo ng ex mo tapos patuloy kang aasa na pagdating ng panahon kami pa rin, masa-stuck ka lang dun. Hindi maganda yung mentality na ganun. Lalo ka lang mahihirapan kapag ganun yung iisipin mo. Ang sa amin naman lalo na kay Cristine, siguro naman siya hindi naman kami yung totally na ayaw na namin sa isa’t isa. Siyempre mahal ko pa rin siya as a friend ‘di ba? Hindi nga lang boyfriend pero nandun yung suporta namin sa isa’t isa.”

Sa mga napapabalitang mga lalaking iniuugnay kay Cristine, bukas naman si Rayver magbigay ng opinyon at ayon sa kanya hindi man nababanggit o napag-uusapan, wala namang masama dito. Nang matanong si Rayver kung siya naman ay may balak magkwento kung sakaling may magustuhan siya o balak ligawan na ibang babae, ang kanyang nangingiting sagot, “Hindi din siguro kailangan ipaalam. Hindi na kasi kapag nalaman na sa kwentuhan, kwentuhan. Pero para lumapit ka pa na ano, hindi na siguro kasi wala naman na kayo e pero yung pag kwentuhan na magkaibigan nandun pa rin yun.”

Ngunit aminado si Rayver na bago pa man sila naging magkarelasyon ni Cristine, mahirap ang kanilang mga pinagdaanang dalawa lalo pa ang intrigang bumalot sa kanila noon. “Sa mga unang panahon, dahil ang dami ding issues nun, medyo mahirap yun kasi naging buddy-buddy kami noon. Tapos biglang hindi nag-usap nung kasagsagan nung issue for two months tapos biglang naging friends ulit kami tapos kami. Hindi mo rin masasabi ang buhay e. Parang go with the flow yan e, kung saan ka dadalhin.” 

Kaya naman sa kabila ng kanilang samahan, ang tanging pananaw ni Rayver sa kung ano ang meron sila ni Cristine sa kasalukuyan, “Kung pagdating ng panahon kung matanda na kami e kami pala talaga, bakit hindi, ‘di ba? Kasi wala naman kaming samaan ng loob at iba naman yung pinagsamahan namin ni AA kung kayo, kayo. Kung hindi at least friends kayo.