• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Yap talks about staying away from temptations in showbiz

Richard Yap talks about staying away from temptations in showbiz

Richard Yap says his family and his wife keep him grounded.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/11/2013 8:37 AM
Richard Yap talks about staying away from temptations in showbiz


041113-richard_main.jpgBaguhan man sa industriya ng showbiz, pinatunayan naman ni Richard Yap, o mas kilala ngayon bilang Sir Chief ng hit seryeng Be Careful with my Heart, na hindi basehan ang edad para maabot ang rurok ng tagumpay. Mula sa kanyang teleserye, kabi-kabilang mga endorsements at shows sa loob at labas ng bansa ay hindi na nga maikakaila ang kanyang kasikatan.

At kaakibat ng kasikatan na tulad ng kanya ang kaliwa’t kanang mga tukso at temptasyon ngunit hindi ito isyu para kay Richard. Aniya, “I think at my age I know better. I know that you have to keep yourself away from these things and something that’s not right, you stay away from it agad. And my wife is always with me so that helps me also to stay grounded, good, so you know. You also have to think of your family.”

Ngunit inamin ng aktor na kung siguro ay bata-bata pa siya maaring maikonsidera niya ang ganitong mga bagay ngunit sa ngayon ay wala na ito sa kanya, “Hindi ko na kasi naiisip yung ganun because I am here for work. Siguro if I was younger siguro maisip ko pa yun pero ngayon hindi ko na naiisip na magba-bar. Tapos na kami diyan.” 

Pagdating sa kanyang mga taga-hanga, walang pinipiling edad ang mga taga-suportang tumitili sa kanyang presensya. “Nakakatuwa e siyempre you make people happy so for me kung yun lang ang magpapasaya sa mga tao, okay na para sa akin yun. Kasi we are here in this world for a reason and if you can make other people happy that’s already a very satisfying job.”

Sa kabila ng lahat ng kanyang tinatamasang tagumpay sa maliit na panahon na iginugol niya sa showbiz, nasa punto na ba siyang kahit papaano ay nasasanay na rin siya? “Well I guess it is something that you shouldn’t be resting on. If you do something which is very successful, you try to improve yourself and try to do better so success is relative.” Dagdag pa ng aktor, “I think I am still the same as I was [before]. Kung minsan moody ako kasi I was like that before. ‘Pag pagod ako o gutom ako, so ganun. Hindi ako nagbago just because siguro mas kita lang ako mas noticeable lang because I am on TV.”

Sa ikli ng panahon niya sa industriyang ito masasabing napakaswerte niya na naging malakas ang kapit ng mga manonood sa kanya kumpara sa ilang mga artistang matagal na sa showbiz. “Kasi ako flexible ako e. If hindi na ako pwede sa showbiz, I could go back doing business so I don’t really have to pressure myself na dapat maging successful ako rito.” Pero malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng meron siya sa ngayon. “More opportunities, you get to meet a lot of people, you travel more, but we are still blessed to be in this position because a lot of people are not doing so well.”