• Home
  • Fresh Scoops
  • Rayver Cruz speaks up about the men being linked to ex-girlfriend Cristine Reyes

Rayver Cruz speaks up about the men being linked to ex-girlfriend Cristine Reyes

Rayver Cruz clears up some rumors about ex-girlfriend Cristine Reyes and says they remain good friends.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/2/2013 7:45 AM
Rayver Cruz speaks up about the men being linked to ex-girlfriend Cristine Reyes


040213-rayver_main.jpgMula nang inamin nina Cristine Reyes at Rayver Cruz na hiwalay na sila, hindi ito naging hadlang para sila ay muling maging mabuting magkaibigan. Kaya naman nang kamustahin ng Push.com.ph si Rayver kung may iba na bang nagpapatibok ng kanyang puso, “Sa ngayon mahirap yung ganun. Kapag darating yan, darating yan. Kapag darating, yan siya mismo ang hahanap sa iyo e. Hindi mo naman hahanapin yun e. Sa ngayon masaya ako sa takbo ng career and masaya naman kami [ni Cristine] pareho at magakibigan naman kami, klaro naman lahat.”

May lumabas kamakailan na nakita si Rayver sa Parañaque kasama ang isang non-showbiz girl na tila mukhang isang date at kasama pa si Cristine ngunit kilinaro ito agad ni Rayver. “Baka kaibigan ni Cristine yun, malamang kaibigan ni Cristine yun. Kasi kapitbahay ko na yun sa Parañaque e.” At iginiit nito na walang anumang date na naganap.

Nilinaw din ni Rayver na wala siyang nililigawan sa kasalukuyan, “Wala. Kasi kung meron lalabas at lalabas naman yun e, kapag may dine-date naman ako, malalaman naman ng tao hindi ko naman idedeny. Pero ngayon wala pa e.”

Ngunit ang dating kasintahang si Cristine mula nang maghiwalay sila, naintriga na rin sa ilang mga pangalan tulad na lang ni Derek Ramsay. Bilang malapit na magkaibigan, natanong ng Push si Ryaver kung napag-uusapan ba nila ito. “Wala namang kailangang pag-sauapan kasi ever since naman, kahit kami pa ni AA (palayaw ni Cristine), nagpupunta kami kina Derek e. Matagal na namin kaibigan yun e, kaibigan niya. Ang mahirap kasi kapag single at nakita na may kasamang iba ay nagde-date sila. Kaya nga namin sinabi na in public na wala na kami kasi marami nang sinasabi tungkol sa kanya which is unfair naman. Matagal na namin kaibigan si Derek.”

Maging ang dating kasintahan ni Cristine na si Dennis Trillo ay muling nadidikit sa kanya. At nagbigay din ng reaksiyon si Rayver tungkol dito. “Wala kasi baka gusto niyang maging friends sila. At least ngayon nakakapag-usap na sila or kung sinuman. Baka gusto niya parang kami na friends din, baka gusto ni AA friends yung mga ex niya which is a good thing dahil natutuwa ako sa desisyon namin na ganun kasi bibihira yung ganun, yung maghihiwalay kayo tapos magkaibigan kayo e mahirap din naman yung ganun. Sa atin kasi, sa trabaho natin, pag-iisipan ng masama.”

Sa pagiging malapit na magkaibigan ng dating kasintahan, natanong din ng Push kay Rayver kung sa parte niya ba ay may kaunting pag-iingat na ma-link siya sa iba. “Hindi naman kailangang mag-ingat kaso hindi naman kailangan pagka-break maghanap ka kaagad, hinid naman ganun. E medyo busy din sa work.”

At sa usaping kung tuluyan na abng naka-move on si Rayver, “Oo naman, hindi mahirap mag move on sa sitwasyon namin ni AA kaya very thankful ako na friends kami.