Kamakailan, sunod-sunod ang mga natatanggap na mga pagkilala at parangal ni Kris ngunit ang particular na pagkilalang ito ay espesyal sa Queen of All Media. Aniya, “Ang sarap ng feeling but this really matters a lot because we have such a young population. Ang bata-bata ng Pilipinas and the fact na halos lahat college age sila di ba? Nagsimula silang manood ng TV may daily show na ako kasi it’s going on 18 years already kaya natutuwa talaga ako kasi I am still relevant, pinapanood pa nila ako and natuwa ako sa sinabi na values because you know how to respect other people. Natuwa talaga ako na yes, may maturity na.”
Nang tanungin kung kanino niya inaalay ang katatanggap lamang na parangal, “To myself, haha… Kasi sa totoo lang yung maturity also and respect dun sa trabaho sa ginagawa mo and I think yung pagiging aware sa mga dapat mong gampanan.” Dagdag pa ng Queen of All Media patungkol sa kanyang programa, “I am so proud of the fact na yung Kris TV… from so any people narinig ko na sa mga pamilya daw yung Hot Topics, yun ang nagiging discussion nila at yun ang nagiging way nila na yung mga magulang and kids mag-communicate so natuwa ako about that. I am continuously inspired kasi yung mga tao patuloy na pinaparamdam sa akin na yung trabahong mahal ko naappreciate nila.”
Kaya naman sa pagkilala na ito, maraming pang aasahan at aabangan ang kanyang mga manonood. “Sa Kris TV kasi if it ain’t broke don’t fix it. So habang ito ang gusto nila ibigay natin. Happy ako kasi yung mga sinusuggest ko tulad ng sinabi ng mga sisters ko na ang gawin niyong cooking hindi yung mga highfaluting, dapat simple lang. At ngayong nai-implement nakikita ko yung reaksiyon ng lahat. Kasi yun yung mga araw-araw nating kinakain at ngayon alam na yung tamang proseso on how to do that. And I think also siyempre kasi what the show’s strength is yung family ties. Kaka-suggest ko lang kasi si Marco Gumabao who is with me sa Kailangan Ko’y Ikaw, yung sister niya yung nanalo sa La Salle (Michelle Gumabao, volleyball player) so sinabi ko we should focus on that, na yung mga iba-ibang types of siblings na iba-ibang types of achievements ang nagagawa. So yun yung mga dapat nilang abangan.”
Napag-alaman na din ang mga plano nina Kris at ang kanyang dalawang anak na sina Josh and Bimby na magbakasyon sa France. Aniya, “Kasi ang tagal ko nang panata na gusto ko nang makapunta sa Our Lady of Lourdes kasi dun ako pinangalan kay St. Bernadette kaya Kristina Bernadette, kaya first time makakapunta. And for the boys, para mag-Paris Disneyland kasi pagkatapos nun live na agad yung PGT (Pilipinas Got Talent) so ito na yung huling bakasyon. Kasi wala kaming summer break ngayon dahil tuloy-tuloy kaya inagahan na lang Holy Week kaya tama makakadasal. Gusto ko sana Holy Land with my sisters pero ang problema yung schedule kasi hindi swak at yung mga bata naman ayaw ko naman silang pilitin na pagdasalin ng pagdasalin at least ito nahati. Meron yung enjoy sila, meron yung spiritual side ko naman mae-enrich.”