• Home
  • Fresh Scoops
  • Kakai Bautista on rumors that she's dating Mario Maurer: 'Magkaibigan lang po talaga kami'

Kakai Bautista on rumors that she's dating Mario Maurer: 'Magkaibigan lang po talaga kami'

Comedian Kakai Bautista speaks up about her controversial sighting with Thai heartthrob Mario Maurer in Thailand.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

3/7/2013 10:18 AM
Kakai Bautista on rumors that she's dating Mario Maurer: 'Magkaibigan lang po talaga kami'


030713-kakai_main.jpg
Nagsalita na sa wakas ang komedyanteng si Kakai Bautista sa isyung nagkakamabutihan na di umano sila ng Thai star na si Mario Maurer. 

Kumalat ang balitang maaring nobyo na niya ang aktor nang kumalat sa internet ang kanilang larawan na kuha nang magbakasyon siya sa Thailand noong nakaraang buwan.

Sa report ng TV Patrol nitong Miyerkules, iginiit ni Kakai na magkaibigan lang sila ni Mario.

"Magkaibigan lang po talaga kami ni Mario Maurer. Nothing romantic. Wala po. Kumalma silang lahat, may pag-asa pa kayong lahat guys. Huwag kayong magalit sa akin kasi hindi ko din naman kasalanan kung bakit kami naging magkaibigan," ani Kakai.

Matatandaang nagkakilala ang dalawa ng magkasama sila sa pelikulang Suddenly It's Magic kung saan leading lady ni Mario si Erich Gonzales. 

Una na ding nakitaan si Mario ng pagkagiliw kay Kakai sa guesting nila sa Gandang Gabi Vice kung saan tuwang tuwa ang aktor sa pag-awit ng komedyana.

Ayon kay Kakai, masaya siya ngayon sa pagkakaibigan nila ni Maurer na inilarawan pa niya bilang isang napakabait na lalaki.
"If it's destined to happen it will happen, hindi ba? But right now I'm happy for the friendship. I'm very lucky to have a friend like you not because you are a superstar but because you are a good person."

"Nakakita siya ng mascot sa akin. At least magkaibigan kami kahit mukha akong alalay sa tabi niya," dagdag ni Kakai.