• Home
  • Fresh Scoops
  • RJ Padilla describes how brother Daniel Padilla is when in love

RJ Padilla describes how brother Daniel Padilla is when in love

RJ Padilla reveals that brother Daniel Padilla loves to spoil people close to him.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/6/2013 9:50 AM
RJ Padilla describes how brother Daniel Padilla is when in love


030613-rj_main.jpgKinse anyos na nang makilala ni Daniel Padilla ang kanyang mga kapatid sa puder ng kanyang amang si Rommel Padilla. Nalaman ito sa panayam ni Joey Marquez ng Showbiz Inside Report kay Daniel at sa kapatid nitong si Ronell Jake o mas kilala bilang si RJ (dating Pinoy Big Brother Unlimited housemate at gumanap bilang batang Diether Ocampo sa teleseryeng Apoy sa Dagat). Ibinahagi ng dalawa na kaswal lang ang kanilang naging unang pagkikita na hindi pa nga alam ni DJ noon na may isa pa siyang kapatid na lalaki dahil sa Mindanao pa noon nakatira si RJ. Walang anumang hinanakit na naramdaman ang sinuman dahil para sa kanila, “More brothers, more fun.”

Kahit ilang taon pa lang sila magkakilala ay magkasundong magkasundo naman sina RJ at Daniel. Marami daw silang similarities at swak na swak daw ang kanilang mga ugali. Dagdag ni RJ, “Kaya nga sabi sa amin nina papa pag magkakasama kami sa mall, ‘Psst! Uy umayos nga kayo diyan!’ Kasi ang kukulit lang talaga namin. ‘Pag nagpapa-picture siya (DJ) sinusundot ko yung puwet niya.”

Ibinahagi ni RJ na proud na proud siya sa kapatid na isa si Daniel sa pinakasikat na artista ngayon. At dahil dito, napag-usapan ang naging malaking pagbabago sa buhay ni Daniel nang dahil sa pag-aartista at ang disiplina na naituro nito sa kanya. “Marami naman ho talagang akong mga gusto na minsan hindi kaya muna... Pero ngayon ako na ho mismo umaayaw kasi parang hindi ko naman pala kailangan so hindi ko na lang bibilhin.”

Ngunit ibinhagi ni RJ na hindi madamot si Daniel kapag para sa mga kapatid niya, “Hindi po siya madamot kung ano ang meron siya. Katulad nung kelan lang po pinag-shopping niya po kaming magkakapatid. Ganun po siya kabait, hindi siya nakakalimot eh. Kasi alam din ho niya na kung dati hindi kami nakaka-shopping, hindi kami nakakatikim ng ganito ganyan. Iniisip niya, ‘Ako rin, natitikman ko na. Bakit hindi ko i-share sa mga kapatid ko?’”

Pagdating naman sa usaping love life, kung si RJ inamin na may non-showbiz girlfriend, pagdating kay Daniel ang kwento ng kapatid kapag nagmahal si Daniel, “Spoiled ka diyan, lahat ng puwedeng ibigay, ibibigay sa ‘yo.” At sa tanong na kung nais niya bang maging sister-in-law si Kathryn Bernardo kapag dumating na ang araw na yun, “Bakit naman ho hindi?” Kaya naman nang nagkakatuksuhan na kung natanong na ba ni Daniel si Kathryn kung mahal siya nito, natatawang napayakap na lang si DJ sa kapatid.