• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis vows not to wear extremely sexy outfits; ASAP gets no sanction from MTRCB

Anne Curtis vows not to wear extremely sexy outfits; ASAP gets no sanction from MTRCB

Anne Curtis's statement coupled with ABS-CBN's self-regulation scheme prevented 'ASAP' from getting sanctioned by MTRCB.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

3/5/2013 10:22 PM
Anne Curtis vows not to wear extremely sexy outfits; ASAP gets no sanction from MTRCB


030513-anne_main.jpgTila nadala na ang aktres na si Anne Curtis na magsuot pa ng revealing outfit sa telebisyon.

Sa panayam ng TV Patrol nitong Lunes ng gabi, sinabi ni Anne na mas magiging maingat na siya sa mga isusuot na sexy outfit.

"I guess I just have to avoid wearing stuff like that on TV shows. We all learned our lessons but the good thing is at least I was able to prove that it was a tangga," ani Anne.

Pinaabot din ng aktres ang kanyang pang-unawa sa desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na imbestigahan ang kontrobersiyal niyang sexy and wet production number sa ASAP. 

"It's always good to know that the MTRCB is on their toes. I give them respect if there's any problem," dagdag ng aktres.

Matatandaang nagsimulang pumasok sa eksena ang MTRCB ng may magreklamong TFC subscriber.

Samantala, malaki raw ang naitulong ng pahayag ni Anne na ito upang hindi mapatawan ng sanction ang ASAP para sa nasabing kontrobersyal na production number. 

17 na top network executives ng ABS-CBN ang dumalo sa meeting na ipinatawag ng MTRCB nitong Martes, March 5. Dito ay binigyan ng pagkakataon ng regulatory board na maihayag ang panig ng Kapamilya network hinggil sa isyu. 

Ayon naman sa TV Production Entertainment Head Laurenti Dyogi, naging maganda ang pag-uusap sa pagitan ng MTRCB at network executives ng ABS-CBN. “It was just a dialogue. There was no hearing whatsoever.” 

Dagdag pa ni Direk Lauren, naiintindihan ng network na parte ng self-expression ni Anne ang style nito ng pananamit. Ngunit mula ngayon ay mas magiging maingat daw ang ASAP pagdating sa ganitong bagay. “It was her way of expressing herself, we recognize that as a network. But if it offended other people, we apologize in behalf of Anne and in behalf of ASAP. But we’re more conscious in future episodes.

Samantala, nangako naman ang ABS-CBN na ipapatupad nito ang self-regulation scheme upang maiwasan ang ganitong mga insidente in the future. Kasama na rito ang paggawa