• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda prevents his “baby boy” from appearing on 'Gandang Gabi Vice'

Vice Ganda prevents his “baby boy” from appearing on 'Gandang Gabi Vice'

The Unkabogable Star shares that he would rather keep the identity of his special someone a secret for his own good.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/31/2013 10:05 PM
Vice Ganda prevents his “baby boy” from appearing on 'Gandang Gabi Vice'


040113-vice_main.jpgMasayang masaya si Vice Ganda na nag-celebrate ng kanyang birthday kamakailan. Ang actual birthday niya ay Marso 31 subalit nagkaroon siya ng mga selebrasyon, gaya ng two-part birthday celebration niya sa kanyang programang Gandang Gabi Vice.

Ibinunyag niya na this summer ay mayroon siyang out-of-town trip with his family. First time raw ito dahil usually ay mga kaibigan ang mga kasama niya pero this time ay ang kanyang pamilya, kagaya ng nanay at mga pamangkin.

Sa The Buzz interview niya na ipinalabas nitong linggo, Marso 31 ay happy rin ang Unkabogable Star dahil nakapagpatapos na siya ng isang pamangkin sa kolehiyo at may pinapaaral sa high school.

Natanong din kay Vice kung ano ang birthday gift sa kanya ng kanyang “baby boy”. “Sumang-ayon na huwag ituloy ang guesting,” natatawang sagot ni Vice, dahil nakumbinsi na ng staff ng GGV ang kanyang special someone na mag-guest sa kanyang naturang show. “Di naman talaga lumalabas ‘yon (sa TV) at wala naman talagang nakakaalam ‘no,” giit ni Vice. “Na-convince na siya mag-guest na talaga siya. Eh, sira ulo siya, tinext niya ako ng, ‘Guest ako sa GGV!’ Naharang ko, bongga.”

Kung siya raw ang tatanungin, mas gusto raw niya na manatiling sikreto ang pagkatao ng kanyang karelasyon para na rin sa kabutihan nito. “Ayoko talagang i-expose kung sino man siya,” ani Vice. “Maraming haka-haka ang mga tao kung sino sa kanila, kung sinopero wala namang nagko-confirm kung ‘yun talaga at di ko talaga iko-confirm para na rin sa kanya, di ba?"

Ang ibang tao mas masaya sila kung proud sa kanila ‘yung dyowa nila o kung kayang ilantad. Ako, gusto ko kasing pangalagaan ‘yung pribadong buhay nung tao kasi hindi naman showbiz. Pero for sure ‘yung mga tao ang daming husga n’yan, eh. Hindi ko naman i-a-allow na mangyari sa kanya ‘yon. Di naman kailangang malaman ng mga taong kami ‘yung nagmamahalan. Ang importante alam namin sa isat-isa." 

Kabilang pa sa mga nakalinyang gagawin ni Vice ay ang pagkakaroon muli niya ng concert sa Araneta Coliseum at ang pagdiriwang ng 2nd anniversary ng GGV.

Natanong din ang sikat na komedyante hinggil sa desisyon ng kanyang close friend na si Kris Aquino na mag-resign from showbiz. “Nabigla ako dun sa nag-resign… di ko kasi alam ‘yon na may ganun siyang plano,” simula ni Vice. “Nung dumating ako galing Australia magkausap kami sa telepono, sabi niya,Usap tayo, marami akong isi-share sa ‘yo.’ Di naman ako nakapunta." 

Ayon pa kay Vice kahit ano raw ang mangyari ay susuportahan niya ang kaibigan at ang mga anak nito. “Wala talaga akong idea pa kung ano talaga ‘yung kabuuuan. Pero kung anuman ‘yon andito naman ako lagi. Suportado ko naman siya lagi. Kahit ano payan kakampihan at kakampihan ko si Kris.”

Hanga rin daw si Vice kay Kris dahil naging matapang daw ito na kahit ang kanyang magandang career ay kayang iwanan para sa mga anak niya.