• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla answers issues about his alleged attitude problem

Daniel Padilla answers issues about his alleged attitude problem

Daniel Padilla says that he does everything he can for his fans.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/30/2013 8:16 PM
Daniel Padilla answers issues about his alleged attitude problem


033113-daniel_main.jpgSi Daniel Padilla na nga ang itinuturing na pinakamainit at pinakasikat na binatang artista ngayon kaya naman kaliwa’t kanan ang mga isyung ipinupukol sa kanya. Walang tigil ang mga balitang diumano’y nagbago na siya at lumaki na ang kanyang ulo sa kasikatang kanyang tinatamasa.

Isa na dito ang isyung lumabas kamakailan lang na nang-isnub siya ng isang fan na sinasabing hindi siya nagpaunlak magpakuha ng litrato at ikinalat diumano ng nsabing fan sa Twitter. “Siguro yung mga ganun na fans e hindi nila alam, hindi sila solid kumbaga. Kasi alam naman ng mga totoo kong supporters yung mga nangyayari e, di ba? Bakit naman hindi? Siraulo ka naman kung hindi mo gawin yun. Siguro may tatakbuhin ako, baka hindi lang yun ang gagawin ko sa araw na yun, may ibang fans pa ako na pupuntahan, marami pa akong kikitain na mga tao. Minsan may mga chances kahit ako merong mga bagay na hindi ko nakukuha… Hindi naman lagi na yung gusto mo makukuha mo. Kumbaga ganun naman yun, hindi laging mabibigyan ka ng chance sa lahat ng bagay kaya siguro may nangyari lang na ganun na hindi lang isnasadya o hindi alam,” paliwanag ni Daniel.

At sa pagkakataong ito, klinaro na rin ni Daniel at nagbigay ng kanyang saloobin tungkol sa kanyang mga tagahanga at taga-suporta na naglalabas din ng kanilang sama ng loob sa hindi niya minsang pagpapaunlak sa kanila ni Daniel sa kanilang mga hiling. “Actually gusto ko ang tanong na ito para malinaw din sa mga supporters, para yung mga iba nagtatampo-tampo. Pero sana kung nagtatampo man, sana naiintindihan nila hindi lang yung side nila kumbaga yung side din naming. Kung anong ginagawa namin para sa kanila hindi lang para sa amin. Bakit ba namin ginagawa ito? Para mapasaya namin sila, di ba yun lang naman? Kasi hindi lang naman ito para sa amin, hindi lang para yumaman at magkapera, hindi lang naman ganun na para magkaroon ng pangalan. Paano ba kami napunta dito kung hindi para sa kanila? Unang-una ginagawa namin ito para sa inyo.”

Dagdag pa ni DJ, “Lahat naman ng ito para sa inyo. Kung hindi namin kayo minsan mapagbigyan may mga dahilan naman kami.

Kaya naman nang muling nabuksan ang isyu ng pagkakaroon niya ng attitude problem, “Ewan ko yung mga nagsasabi niyan. Ang sarap na lang batukan e di ba? Ang sarap na lang hamapasin ng ulo di ba? Bakit hindi magiging ako? Hindi na lang naman ako yung Daniel na walang ginagawa, yun lang yung nagabago. Dati wala akong ginagawa, hindi ako pinapansin e ngayon? Siyempre nangyayari naman sa lahat ng artista yun, nagkakaroon tayo lahat ng moment. Ngayon siyempre nagkaroon na tayo ng pangalan sa kanila rin yun di ba? Ibibigay ko sa kanila yun dahil sila ang may gawa nun sa akin/ Kumbaga nagbabago dahil nagtatrabaho, napapagod na. Hindi katulad dati na walang ginagawa kaya sige punta ako sa inyo, punta ako diyan. E ngayon punta ka ngayon dito, hindi pwede pare may gagawin ako. ‘Ay wala na ito hindi na ito nakikisama.’ Parang ganun din yun para malinaw lang sa mga tao ganun lang umiikot yung trabaho natin.”

Sa kasikatang kanyang natatamasa sa kasalukuyan na kahit saan siya magpunta ay tinitilian, hinihiyawan at nakakakilala sa kanya, ayon kay Daniel ay hindi pa rin niya talaga ito nadarama. “Yun sinasabi niyo sobrang sikat pero ako hindi ko alam, hindi ko nararamdaman sa totoo lang. Parang hindi siya big deal e. Kumbaga gawin mo lang ng gawin kung saan ka magaling. Gawin mo kung saan ka nakilala, ituloy mo yun. Kilala ka sa pagiging simple, normal, sabihan kang anuman mayabang, maangas. Sabihin niyo mang maangas ako, e bakit niyo ako gusto? Di ba kasi hindi ako yung maangas na siraulo, maangas ako na simple lang kasi hindi ako maangas, mukha lang ako maangas.”

Ngunit inamin ni DJ na sa likod ng tagumpay niya ay matinding trabaho at sakripisyo din ang kanyang pinagdaraanan. Pero alam niyang napakaswerte niya din sa pagkakataong naibigay sa kanya lalo na ng kanyang mga tagahanga. “Tao lang din naman ako. Imaginin niyo kung sa inyo din mangyari. Masaya pero maraming consequences bilang masaya lang lahat. Hindi lang naman puro saya ang ginagawa ko. Napapagod din ako. Kumbaga gagawin ko pa ba yan? Kasi wala na, namamatay na yung katawan mo, shu-shutdown ka na e. Bibigyan ka ng tulog, dalawang oras, tatlong oras tapos bibigyan ka ng trabaho. Yun yung mga kapalit ng mga ito pero kesa sa mapagod ka, magpasalamat ka na lang.”