• Home
  • Fresh Scoops
  • Cathy Garcia-Molina happy but nervous to direct movie with some of today's top leading ladies

Cathy Garcia-Molina happy but nervous to direct movie with some of today's top leading ladies

Director Cathy Garcia-Molina is interested to see how some of today's biggest actresses would gel together in one movie.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/30/2013 8:21 PM
Cathy Garcia-Molina happy but nervous to direct movie with some of today's top leading ladies


033113-cathy_main.jpgMagkahalong saya at kaba ang nararamdaman ni Cathy Garcia-Molina na siyang magdidirek ng pelikulang pagsasamahan nina Angel Locsin, Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao at Enchong Dee.

Sa story conference ng nasabing pelikula, naitanong sa direktor ng box-office movies kung ano ang ine-expect niya sa gagawing pelikula. “Ako, ine-expect ko magugulo ang buhay ko. I’m very excited na makasama sila in one film…’yun lang, namumrublema lang [ako] kasi feeling ko daldalan lang nang daldalan sa set, tsikahan nang tsikahan,” pabiro niyang tugon.

“I’m excited kasi ngayon lang ako gagawa ng story about the family. Especially, ayoko po talagang magdrama kaya nilagyan ng com (comedy) kaya ito po ‘yung tinatawag naming famcomdram (family-comedy-drama) and excited to see these beautiful faces together sa isang shot, dream-come-true ko ‘yon.

Paano nga ba napa-oo si Direk Cathy na gawin ang pelikula given the fact na aminado siyang weakness niya ang paggawa ng family movie? “Di ko nga alam kung bakit ako napa-oo dito. Ayoko ng family [movie] alam ni Tita Malou (Santos, Star Cinema managing director) ‘yan, natatakot akong gumawa ng pelikula about family kasi parang it’s very close to my heart.

“Ewan ko, takot ko siyang puntahan. But when I saw the konsepto [na] it’s about magkakapatid, mas nagustuhan ko siya more than isang pamilya,” pagbabahagi ni Direk. “Natuwa ako sa magkakapatid. Maybe because siyam kaming magkakapatid and I have my experience belonging to a big family, so I think malaki ‘yung maise-share ko sa manonood. How it feels to belong to a family na madami at ganyan kagagandang mga family members.”

Medyo nasa comfort zone na rin si Direk Cathy pagdating sa mga artista dahil halos sa mga ito ay nakatrabaho na niya, except kay Shaina. Turan pa ni Direk sa interview, “Mga leading ladies ko na kayo [sa mga ginawang pelikula in the past] natutuwa ako kung paano ko pagsasama-samahin kayo, [halimbawa] ano ang kayang ibigay ni Toni, kasi [si] Toni kayang ibigay mag-isa pero in relation with the other [actresses, remains to be seen]. Ito kasi ‘di pagalingan, eh. Dun ako excited, hindi ito parang leading lady na ikaw lang ang bida. You will act together, you will be together, walang solo, so natutuwa ako sa magiging kalalabasan ng team work natin.

Dagdag pa niya, “’Yun nga bonding natin, paano ang Toni Gonzaga in relation with others and natutuwa nga ako, di ba? Kilalang-kilala ko na kayo [at ang] personalidad, so natutuwa lang ako.”