Rayver Cruz says Gerald Anderson is not a womanizer

Rayver Cruz says that Gerald Anderson is a very good person by nature.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/27/2013 10:38 PM
Rayver Cruz says Gerald Anderson is not a womanizer


032813-rayver_main.jpgMarami nang ikinaharap na intriga at kontrobersiya ang magkaibigang Rayver Cruz at Gerald Anderson. Ayon sa kanila, matagal nang nabuo ang kanilang pagkakaibigan ngunit marami na lang nakapansin nito nang magsimula ang pagtitinginang Gerald at Sarah Geronimo noon. Hindi naman lingid sa kaalaman ng tao na may naging nakaraan si Rayver at Sarah. At sa kanilang mga panayam noon, sinisiguro nina Gerald at Rayver na hindi apektado at kailanman ay hindi maapektuhan ng isyu ang kanilang pagkakaibigan.

Makikita ding laging magkasama ang dalawa sa Instagram posts ng bawat isa kaya naman nang may lumabas sa isang showbiz blog na nagpapakitang in-unfollow ni Gerald si Rayver sa Instagram, agad na kinuha ng Push.com.ph ang katotohanan kay Rayver. “Hindi totoo yun, kakalike niya lang sa pictures ko e. Ang nangyayari kasi sa IG (Instagram) sa sobrang dami mo nang finofollow, makikita mo sa following niya kunwari kay Gerald, makikita mo sa following niya hindi lahat yun, hindi na nag-aappear lahat kaya siguro yun ang nakikita ng tao nagreact na yung mga tao na hindi na ako finofollow imposible naman yun.”

Sa naturang showbiz blog, maraming nagtataka na ang parehong malapit pa kay Gerald na si Rayver at si Maja Salvador ang nakitang in-unfollow ng aktor sa kanyang Instagram account. “Imposible talaga. Magkikita nga kami sabihin ko nga, ‘Bro in-unfollow mo daw ako.’ Baka nagloloko lang yung IG (Instagram) ang dami niyang finofollow e.”

Kaya naman maraming spekulasyong lumabas na nagkakaproblema ang napapabalitaang magkasintahan na sina Maja at Gerald at si Ryaver ay may kinalaman dito na agad-agad naman niyang sinagot, “Walang spekulasyon. Huh? Oh no!”

May mga negatibo na ring natatanggap na kumento ang kaibigan niyang si Gerald na babaero diumano ang actor. “Yun nga tulad nung nangyari din sa akin, based sa experience ko, bahala na sila sa opinyon nila. Basta ako alam ko sa sarili ko na napakabuting tao nun, napakabuting kaibigan. Since nagstart siya hanggang ngayon hindi nagbago so hindi totoo yun.”

At bilang malapit na kaibigan nina Maja at Gerald, pinilit ng Push tanungin si Rayver kung totoo bang may namamagitan na kina Maja ate Gerald hindi man sinagot ng diretso, naging maintriga naman ang tila pag-iwas ni Rayver sa issue. “Parang hindi ako yung dapat na tinatanong diyan di ba?