'It Takes A Man and A Woman' gets 'G' rating from MTRCB

MTRCB Board Member Gladys Reyes guarantees that moviegoers will fall in love all over again with the John Lloyd-Sarah teamup.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

3/27/2013 10:37 PM
'It Takes A Man and A Woman' gets 'G' rating from MTRCB


032813-sarahjlc.jpgIsang magandang balita para sa tambalang John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo dahil sa nakakuha ng "G-Rating" ang kanilang pelikulang "It Takes A Man And A Woman."

Bago ang nakatakdang nationwide showing nito sa March 29 (Black Saturday), isang magandang review ang nakuha nito mula sa mga miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).Ibig lang sabihin ng "G-Rating" ay maaring mapanood ng lahat ang nasabing pelikula.

Ayon sa board member na si Gladys Reyes, napanood na nila ang nakakakilig na pelikula na idinerehe ni Cathy Garcia-Molina.

Maliban sa "G Rating," pinuri din ni Reyes ang magandang tambalan ni Sarah at John Lloyd.

"We reviewed 'It Takes a Man and a Woman' today. We rated it G, iba talaga magpakilig sina John Lloyd and Sarah, so charming! For sure, kikiligin na naman ang fans," ani Gladys.

Matatandaang kamakailan lang ay sinabi ni John Lloyd na may tiwala siya sa ikatlong pelikula nila ni Sarah kahit pa hindi sila magkakaroon ng premiere night dahil sa nagkataong sumabay sa Holy Week ang showing nito.

Tambok din sa nasabing pelikula si Andre Garcia, Miles Ocampo, Al Tantay, Irma Adlawan, Gio Alvarez, Joross Gamboa, Matet de Leon at Isabelle Daza.