• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin, Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, and Enchong Dee want to form a solid friend

Angel Locsin, Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, and Enchong Dee want to form a solid friend

Angel Locsin, Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, and Enchong Dee are excited about working together for the first time.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/27/2013 11:00 PM
Angel Locsin, Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, and Enchong Dee want to form a solid friend


032813-tonibeashai_main.jpgExcited sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Shaina Magdayao, Toni Gonzaga, at Enchong Dee sa pagsasamahan nilang pelikula. Sa ginanap na story conference kamakailan, nagsilbi munang host si Toni para sa isang segment sa The Buzz at tinanong ang kanyang apat na co-stars tungkol sa kanyang nararamdaman about their upcoming film. Naitanong ng host-actress kung paano sila napa-oo at kung ano ang expectations nila sa proyektong kanilang pagsasamahan kung saan gaganap sila bilang magkakapatid.

Ayon ka Angel, “Nung binabasa ko pa langyung script, ‘yung konsepto pa nga langpapano nga ‘to? Ang saya-sayang panoorin na makaka-relate ang mga tao, ang magkakapatid kasi kahit gaano kaiba ang personalities, may mga similarities pa rin, di ba?” Ang nasabing pelikula ay family drama na comedy.

Pagpapatuloy pa ng 2012 Star Awards Movie Actress of the year, “Parang papaano kaya ito namin gagawin? And bihira talaga na makita ito na lahat tayo magkakasama. Parang ‘di ko alam kung magkakaroon ng iba pang pagkakataon na pagsasama-samahin tayong lahat. Exciting talaga itong project na ito. Plus siyempre si Direk Cathy (Garcia-Molina, na direktor namin sa) Unofficially Yours with John Lloyd Cruz, alam ko kung gaano siya kagaling. ‘Yung timing niya sa comedy, tsaka ‘yung totoo. Hindi lang ‘yung basta magpapatawa ka lang. Excited ako.”

Nakagawa naman ng apat na pelikula si Bea under Direk Cathy kaya excited siya na muli silang magsasama sa proyektong ito. Dagdag pa rito, pagkakataon daw ito para kay Bea na mapalapit sa kanyang mga co-stars. “Excited ako na mag-gain ng new friends, totoo ‘yan! Excited ako na mapalapit sa inyong lahat kasi alam ko na mabubuti kayong tao,” ani Bea na ang tinutukoy ay ang kanyang mga co-stars sa story conference. “Marami kayong maituturo sa akin, excited ako na mag-enjoy. Excited ako na magkaroon ng sisters.”

Pagbasa pa lang sa script ng kanilang movie, agad na naka-relate raw si Shaina dito. “And also nakaka-relate ako kasi four girls kami [magkakapatid]. So nung pine-present pa lang sa akin ‘yung story, sabi ko, ‘Nakikita ko na agad si Shaina.’ Nakaka-relate ako sa bawat character, so siguro ang gandang tingnan sa big screen na pati audience makaka-relate sa atin, sa bawat characters natin, di ba?”

Natutuwa rin daw si Shaina na makasama ang kanyang best friend na si Bea sa pelikula. Unang nagkatrabaho ang dalawa sa family movie na Sa ‘Yo Lamang noong 2010 pero hindi sila nagkaroon masyado ng mga eksena. Matatandaan noong una ay si Angelica Panganiban ang kasali sa movie pero dahil busy ngayon sa teleseryeng Apoy Sa Dagat, napunta ito kay Shaina.

Tinanong din ni Toni si Bea kung ano ang nakapagpapayag sa kanya na tanggapin ang proyekto, ang tugon ng aktres, “Sino ba naman ang hihindi sa ganito kalaking proyekto? You have Direk Cathy tapos kayo pa ang makakasama ko sa movie. Sino ba talaga ang hihindi? It is such a blessing and I am very grateful na kahit papano nakasama ako sa ganitong movie. Hindi ako pinabayaan ng Star Cinema at maganda ang pagpasok ng 2013 sa akin.

Ayon naman kay Enchong, gusto niyang makabuo ng friendship kasama ang kanyang mga co-stars sa pelikula. “Di ba nga, bibihira magkaroon ng ganitong proyekto, so might as well i-enjoy ko na tsaka kunin ko lahat ng pwedeng kunin [na experience].”

On her part, sinabi naman ni Toni na natutuwa siya dahil normally ay nagkakasalubong lang sila sa compound ng ABS-CBN o kaya ay magkikita sa ASAP. “Magkakakilala kami but this is actually the first time na nag-sit down kaming lahat at nagkausap kami ng ganito. Kasi before, hi-hello. Pinakamarami na ‘yung, ‘O kamusta? Saan ang segue?’ Ganun na ang mga usapan namin. Pero ngayon, we’re very excited kasi first time to work together.”