Sarah Geronimo feels disheartened by her online bashers

Sarah Geronimo says she can't promise to regularly update her fans through her new Twitter account.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

3/26/2013 8:36 AM
Sarah Geronimo feels disheartened by her online bashers


032613-sarah_main.jpgKinumpirma ni Sarah Geronimo ang panibagong official Twitter name niya na  @JustSarahG sa kabila ng mga nagsasabing hindi talaga siya ang nagma-manage ng nasabing microblogging site account. Ngunit inamin din ng Popstar Princess na hindi niya maipapangakong regular siyang makakapagbigay ng updates tungkol sa kanyang day-to-day activities lalo pa’t hindi naman niya talaga hilig ang mag-Twitter.

Magiging honest po ako. Hindi ko masasabi na mag-stay ako at mag-Twitter ako all the way. Nakita ko lang yung kagandahan talaga ng medium to connect with your supporters. Thank you din sa lahat ng suporta nila and even yung endorsements,” paliwanag ni Sarah. Laking pasasalamat naman ng singer-actress-host sa lahat ng mga solid Popsters na agad finollow ang kanyang Twitter account.

Gayunpaman, ikinalungkot ni Sarah na may ilan pa ring online bashers ang humusga sa kanyang desisyon na maging aktibo muli sa social media. Matatandaan na two-and-a-half years na ang lumipas mula noong nag-quit siya sa Twitter dahil sa mga paninira tungkol sa kanya na nababasa niya online.

Kaka-open ko lang ng account ko, may nakita na ako agad na nag-bash. Sabi ko Lord, ganyan na naman ako, nalungkot na naman ako agad. Sabi nung basher, ang peke ko raw, kailangan ko lang yung mga tao para manood ng movie, which is kailangan ko naman talaga ‘di ba? Pero yun.”

Ayon pa kay Sarah, pinayuhan siya ng kaibigan at fellow Kapamilya star na si KC Concepcion kung paano i-handle ang kanyang detractors o “trolls” kung tawagin, na walang ibang alam kundi ang mag-bash online. “Pero sabi ni KC, meron siyang advice. English eh mahirap i-translate,” pagbibiro na lang ni Sarah. “So yun. Hindi ko po mapra-promise.”