• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino says she will finish certain work commitments after her vacation

Kris Aquino says she will finish certain work commitments after her vacation

The Queen of All Media says she will focus on being a mom to her kids during their two-week-long vacation in Europe.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/24/2013 9:53 PM
Kris Aquino says she will finish certain work commitments after her vacation


032513-kris_main.jpgLumipad na patungong Europe si Kris Aquino para sa two-weeks vacation with her sons, Josh at Bimby. Looking forward naman ang Queen of All Media sa pagkakataon na makasama at maalagaan ang kanyang mga anak.

"The two weeks that I'll be away is a gift from God," ani Kris sa exclusive interview niya na inilabas sa The Buzz kahapon, March 24. Aniya susulitin daw niya ang dalawang linggong iyon para maging ina at masaya raw ang kanyang dalawang anak sa pagkakataon na magkasama-sama sila. "They're happy that we're together, that we're leaving. Excited sila sa gagawin namin pero hindi mo naman kasi pwedeng mabura just by leaving kung anuman pain meron, lalo na sa maliit ko," ani Kris na ang tinutukoy ay ang bunsong anak na si Bimby.

Sa kabila ng magkahalong reaksyon ng mga tao sa isyung kinasasangkutan ni Kris, ang importante lang daw sa actress-host ay sinisikap niyang maging matatag. "Sa mundong ito, you will either be loved or hated. Sa akin alangan naman ikatuwa ko, di ba? Pero I'm still standing and I think that's the most important thing."

Lubos naman daw ang galak niya dahil sa ipinakitang pagmamahal ng mga taong nagmamahal sa kanya kagaya ng mga kapatid, mga totoong kaibigan, mga katrabaho, tagahanga. "Ramdam na ramdam ko naman talaga 'yung suporta na ibinigay talaga," sambit niya.

Ayon pa kay Kris, dahil sa mga isyung nangyari, kinausap isa-isa ni Boy Abunda, na nagma-manage sa mga endorsement deals ni Kris upang tanungin ang mga kliyente kung gusto nilang mag-back out. "Not one of them backed out. All of them are still there," pahayag ni Kris.

Malaki rin ang pasasalamat ni Kris sa mga kapatid na sina Ballsy, Pinky, Viel at Pangulong Noynoy Aquino. Naging matibay raw sila sa gitna ng issue dahil nagsusuportahan sila.

Sinabi rin ni Kris na iniiwasan niya na may magsabing may impluwensiya ang kanyang kuya sa kalalabasan ng mga hearing.

Kinukumusta umano ni PNoy ang mga anak ng bunsong kapatid pero pagdating sa personal na usapan ay ayaw ni Kris na madamay pa ang kapatid.

Nasabi rin ni Kris na nakausap daw niya ang kanyang abogado na si Atty. Frank Chavez at nabanggit ni Kris na sa kakabasa ng mga paksa tungkol sa batas ay sana raw ay naging abogado na lang siya. Sinabi ng kanyang attorney na hindi pa naman huli at inamin ni Kris na isa iyon sa mga pinag-iisipan niya.

"Sa lahat ng pinagdaanan, na-realize ko kung gaano kahalaga ang tamang batas sa Pilipinas," ani Kris.

Pagdating naman sa trabaho, sinabi ni Kris na pagbalik niya ay tatapusin niya ang teleseryeng Kailangan Ko'y Ikaw since patapos naman na ang proyekto.

Ipagpapatuloy rin daw niya ang commitment niya sa Pilipinas Got Talent bilang judge. "It's a foreign franchise with strict rules and regulations. Again  nakatakda na April 6 na kailangan na ang live broadcast, again I will honor that commitment."

Via text message naman ay nagpadala ng mensahe si Kris sa kanyang katrabaho at kaibigan na si Darla Sauler at ipinahayag kung gaano siya kaapektado sa pamamaalam niya sa talk show na Kris TV. Nalulungkot man, nagpapasalamat si Kris sa kanyang mga katrabaho na sa kabila ng pagre-resign niya sa programa ay patuloy siyang sinuportahan ng mga katrabaho.

Samantala, noong Sabado rin, Marso 23 ay naibalitang na-hack ang website ni Kris na Krisaquino.net. Nagpaskil ng larawan ang mga hackers at nagpakilalang anonymous at pinalitan ang ilang pictures at laman ng nasabing website.