• Home
  • Fresh Scoops
  • Heart Evangelista on parents' request for her to break up with Sen. Chiz Escudero: 'Not gonna happen

Heart Evangelista on parents' request for her to break up with Sen. Chiz Escudero: 'Not gonna happen

The actress reveals that she is not okay because of feud with her parents and hopes that this will end.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/24/2013 10:32 PM
Heart Evangelista on parents' request for her to break up with Sen. Chiz Escudero: 'Not gonna happen


032513-heart_main.jpgIstorya ito ng pagmamahalan kung saan ang mga magulang ay naging laban sa kasintahan ng anak at ang anak ay naging laban sa mga magulang sa ngalan ng pag-ibig. Dahil sa hindi pagiging pabor ng mga magulang ni Heart Evangelista na sina Rey at Cecile Ongpauco sa kasintahan ng anak na si Sen. Chiz Escudero, naglabas sila ng mga akusasyon laban sa senador gaya ng pagiging hindi magalang nito at may balak pang magsampa ng demanda laban sa pulitiko.

Dagdag pa rito, nasisira rin ang relasyon ni Heart sa mga magulang sa pagpanig sa kanyang kasintahan.

Kamakailan, isang lumuluhang Cecile Ongpauco ang humarap sa media at nagbigay ng mensahe sa anak para bisitahin ang kanyang ama na may karamdaman na dahil sa mga isyung kinasasangkutan ngayon ng kanilang pamilya.

"You've done all these things to me but your father does not deserve this," umiiyak na pahayag ni Mrs. Ongpauco. "You know how much your father loves you."

Sinabi niya na hindi pa nagso-sorry si Heart sa kanila. "Galit pa siya sa daddy niya. Alam na niya na ang dami nang sakit ng daddy niya. Dapat di ganon," diin ng ina.

Sa interview ng TV Patrol noong Linggo, Marso 24, sinabi ni Heart na dahil sa mga pinagdadaanan ngayon ay hindi siya okey. "I am not really doing very well now," bungad niya.

Hindi rin daw niya mapagbibigyan ang hiling ng mga magulang na makipaghiwalay ito kay Sen. Chiz. "No it's not gonna happen. Chiz and I are very happy.  I just want to live my life the right way and do what's right and that doesn't mean going against your parents," paliwanag niya.

Kinumusta naman sa kanya ang kanyang ama. "I love him very much. I really pray and I've been praying very hard that this just all finishes."

Nakapanayam din si Sen. Chiz na sinabing ipaglalaban daw niya ang pagmamahalan nila ni Heart at hindi susundin ang gusto ng mga magulang ni Heart na maghiwalay sila.

"Katulad ng sinabi ko hindi para sa 'tin na pagpasyahan 'yan o kaninuman. Pasya ni Heart lang 'yan. Anuman ang desisyon niya sana tanggapin ng lahat."

Bukas naman daw siya sa posibilidad na makipagkasundo sa mga magulang ni Heart. "Sana… maganda ang Holy Week na panahon para magnilay-nilay at magkapatawaran."

Dagdag pa ng senador, "Walang may gusto nito. Lahat siguro nasasaktan... sana matapos na ito."

Samantala, sa The Buzz kahapon, Marso 24, ay binasa ni Boy Abunda ang official statement ni Christine Flores, estranged wife ni Chiz na nadadawit din ang pangalan matapos sabihing battered wife daw siya dati nang sila pa ng senador.

"The recent issues involving my (former) husband and Miss Heart Evangelista and her parents have been very disturbing for me and my children," simula niya. May dalawang anak si Chiz kay Christine. "I am sincerely appealing to all concerned to please respect my privacy and that of my children. Whatever differences Chiz and I had in the past has nothing to do with that and the false accusations about me being physically abused by him is definitely not true. I don't think he can ever do that to anyone. I am saddened by the fact that this whole thing has turned into a media circus, thus effecting and hurting people who are not involved."  

Photo from Heart Evangelista's Instagram account