• Home
  • Fresh Scoops
  • Source says court gave Kris Aquino go-signal to bring son Bimby out of the country

Source says court gave Kris Aquino go-signal to bring son Bimby out of the country

TV Patrol reports that a source said that the court turned down James Yap's plea for hold departure order versus Kris Aquino to take their son abroad.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/23/2013 2:24 AM
Source says court gave Kris Aquino go-signal to bring son Bimby out of the country


032313-kris_main.jpgSa ulat ng TV Patrol noong Biyernes, Marso 22, pinayagan umano ng korte na lumipad palabas ng bansa si Kris kasama ang anak na si Bimby ngayong araw Marso, 23. 

Pasado alas-9:00 nang magsimula umano ang hearing sa Makati City Regional Trial Court hinggil sa Hold Departure Order o HDO na inihain ni James Yap laban sa dating asawang si Kris Aquino na ibiyahe ang anak nilang si Bimby palabas ng bansa. Nagplano kasi si Kris na dalhin sa Disneyland sa Paris, France ang kanyang mga anak na sina Bimby at Josh. 

Sa nasabing hearing ay no-show sina Kris at James at tanging mga abogado lang nila ang dumating. Si Atty. Lorna Kapunan ang abogado ni James, samantalang si Atty. Frank Chavez naman ang kay Kris. 

Sa panayam ng TV Patrol at ng iba pang media, sinabi ni Atty. Kapunan na may posibilidad na pwedeng i-extend ni Kris ang bakasyon niya kasama ang mga anak sa ibang bansa kung wala na siyang commitments. Matatandaang idineklara ni Kris sa TV Patrol noong Huwebes, Marso 21, na magre-resign na siya sa tatlo niyang shows sa kanyang mother network. 

Ito naman daw ang dahilan kaya nababahala si James, ayon kay Atty. Kapunan. “All the more that we are concerned because of what she had planned. If she is willing to give up all her commitments, that means it’s possible that she will have an extended vacation abroad with the child,” paliwanag ng abogada. 

Sa panig naman ni Atty. Chavez, sinabi niya na walang karapatan si James na pigilan si Kris at Bimby na lumabas ng bansa. “This only reveals his selfishness when he tries to block the travel of his son.” Dagdag pa niya, malaking paglabag sa karapatang pantao ang nais ni James. Aniya, ang tawag daw rito ay, “a violation of their constitutional right of locomotion. The freedom of locomotion the freedom of travel.”  

Sa hiwalay na interview, sinabi ni Atty. Kapunan na ang ginagawa raw nila ay paghingi ng tulong sa korte. “Hindi namin gustong pigilan. A Hold Departure Order is not to stop a travel, it just means every time you travel, you have to inform the court.” 

Tumagal daw ng dalawang oras ang pagdinig sa kaso sa ilalim ni presiding judge Liza Marie Picardal-Tecson. Iniutos umano ng hukom ang gag order sa kampo nina Kris at James upang hindi na magsalita hinggil sa isyu. 

Pagdating umano ng hapon ay pinayagan umano ng korte si Kris na ibiyahe ang anak na si Bimby sa labas ng bansa, ayon sa isang source.