• Home
  • Fresh Scoops
  • Robi Domingo denies feeling threatened now that Gretchen Ho is the new 'Crush ng Bayan'

Robi Domingo denies feeling threatened now that Gretchen Ho is the new 'Crush ng Bayan'

Although they're not yet officially a couple, Robi Domingo maintains that there is trust between him and Gretchen Ho.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/23/2013 2:23 AM
Robi Domingo denies feeling threatened now that Gretchen Ho is the new 'Crush ng Bayan'


032313-robi_main.jpgNaging bukas si Gretchen Ho sa sa isa sa kanyang mga panayam na lumabas dito sa push.abs-cbn.com tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng host at dating Pinoy Big Brother Teen Edition Housemate na si Robi Doming. Bagama’t hindi man opisyal ang kanilang relasyon, inamin naman niyang ‘exclusively dating’ silang dalawa at si Robi pa lang ang tanging manliligaw na kanyang tinanggap. 

Kaya naman nang makausap ng push.abs-cbn.com si Robi Domingo sa pinakabagong endorsement launch nito, kinamusta namin ang lagay nilang dalawa, at ang nangingiting sagot sa amin ng host, “Ito na lang ang pwedeng sabihin, I can talk about her all day long without wiping the smile on my face.” Kahit na pareho abala sa kani-kanilang mga proyekto si Robi sa kanyang mga showbiz commitments at si Gretchen sa kanyang mga sport engagements, sinisiguro ni Robi na patuloy ang kanilang komunikasyon. 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kapag pagdating sa pakikipagrelasyon lalo na ng mga may dugong Intsik, tulad na lamang ni Gretchen, na strikto at pinanghihimasukan ng ilang  pamilya ang lahi at estado ng kung sino mang makakarelasyon ng mga konserbatibong Chinese families. Kaya naman ng matanong namin si Robi kung naging problema ba ito sa kanila, “Yun nga ang surprising e kasi kapag sinabi mong Chinese, there is this Great Wall of China na dapat either Chinese ka or magpaturok ka ng dugong Chinese pero this time parang pinatunayan ng family niya na they are very open and we are on their side.” Giit pa ng binata, “Actually, this time around I feel that I belong to their family. I hang out with her brothers, I get to talk with her Dad, I get to talk with her Mom even the helpers na parang if I go to their house I belong.”

At nang kinamusta naman namin ang relasyon  ni Gretchen sa pamilya ni  Robi at kung nakakasama din ba nila ang dalaga, “Yeah on some occasions, pero she is really that conservative girl who wouldn’t go to my house to hang around with my family because its not yet there, it’s not yet official.” 

Sa tagumpay at unti-unting kasikatan sa mundo ng palakasan na natatamasa ni Gretchen ngayon at ng kanyang mga kasama sa volleyball, nagsaad din ng damdamin si Robi tungkol dito, “Very proud. Kilalang kilala na siya dati pa pero ngayon sobrang nag-boom yung volleyball I mean it’s not for me to say na parang natulungan siya ng volleyball. It’s completely opposite e, or rather it’s a dialogue between volleyball and Gretchen dahil natulungan ni Gretchen yung volleyball, natulungan siya bilang isang tao.

Ngayon nga ay hindi na lang sikat ang volleyball star dahil sa kanyang galing sa Volleyball kundi sa kanyang angking ganda na isa na nga siya sa sinasabing bagong crush ng bayan at ang reaksiyon ni Robi dito, “I don’t know if I should feel threatened in any way because what we have right now is something very special, something very sacred and it’s built on trust, honesty and respect e. Kung dun naman umiikot ang relasyon ng kahit na sino you shouldn’t be worried.”