• Home
  • Fresh Scoops
  • Lea Salonga says her recent article is not a rebuttal to Tintin Bersola-Babao's article

Lea Salonga says her recent article is not a rebuttal to Tintin Bersola-Babao's article

Lea Salonga says that if she were to write a rebuttal to Tintin Bersola Babao's article on homosexuality, she would have been more combative.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/22/2013 9:04 AM
Lea Salonga says her recent article is not a rebuttal to Tintin Bersola-Babao's article


032213-lea-main.jpgKitang-kita sa mukha ni Lea Salonga ang galak sa inaward sa kanya ng MYX Channel, ang MYX Magna award, sa katatapos lang na 2013 MYX Music Awards noong March 20 na ginanap sa Music Museum. Ang MYX Magna award ay iginagawad taon-taon sa alagad ng musika sa bansa na nakapagbigay ng malaking kontribusyon sa music industry.

Napakalaking surprise kasi ang sinabi lang nila sa akin, ‘Tatanggap ka ng isang award,’ ‘yung Magna award nila, na ibinibigay nila taon-taon,” simula ng Philippine pride nang makapanayam siya ng Push.com.ph at ng ilang members of the press pagkatapos niyang matanggap ang award. “Hindi ko akalain na may kasamang prod (production) number na walo sa mga pinakamagagaling na mang-aawit, sila mismo ang umakyat at kumanta, like Iya Villania, Christian Bautista, Rachelle Ann Go, Juris, Richard Poon, Erik Santos, Nikki Gil, and K-La (Rivera).” Nagbigay ng tribute ang mga nasabing singers sa pamamagitan ng pagkanta ng ilan sa mga kantang pinasikat ni Lea, kabilang ang mga awiting “Reflection” at “A Whole New World” na theme songs sa Disney movies.

Kahit na ilang international awards na ang natamo ni Lea, espesyal daw ang award na MYX Magna dahil sa Pilipinas niya sinimulan ang kanyang recording career at mula sa nag-iisang music channel sa bansa na may malaking ambag para isulong ang local artists natin.

Kinunan din ng pahayag si Lea hinggil sa recent article niya na lumabas sa isang broadsheet (Philippine Daily Inquirer) kung saan isa siyang columnist na may pamagat na Time to see gay people in a different light. Ang artikulo ay tumatalakay sa pagtatanggol ni Lea sa mga batang posibleng maging gay o lesbian paglaki. Tinalakay niya rito na sa pamamagitan ng tamang gabay ay matulungan ng mga magulang ang mga anak nila na matuklasan ang tunay at totoo nilang pagkatao.

May kaugnayan naman ito sa naunang artikulong inilabas ni Tintin Bersola-Babao na transcription ng kanyang TV interview sa isang psychologist kung ano ang dapat gawin kung ang isang bata ay nagpapakita ng mga senyales na maaaring lumaki siyang homosekswal, gaya ng paglalaro ng isang batang lalaki ng mga laruang pambabae. Umani ng maraming batikos ang interview ni Tintin at ang artikulong inilabas niya sa broadsheet kung saan siya columnist.

Ani Lea, nabasa niya ang artikulo ni Tintin at sinabing hindi naman lahat ng nakasulat doon ay galing sa TV host. “It was very difficult for me to read kasi marami akong kaibigang homosekswal; babae o lalaki, so nakakasakit din sa akin siyempre na makarinig ng ganong ding opinion,” paglalahad ng international singer-theater actress. “Kasi meron din akong kapatid na bakla, meron din akong mga kaibigan at naging katrabaho rin na homosekswal na babae at lalaki…

Pero paglilinaw ni Lea, na kilala sa pagiging very vocal at outspoken, ang isinulat niya ay hindi naman nangangahulugang ito ay direktang sagot o pagtatanggol sa isinulat ni Tintin. “This was more of my personal experience, my own understanding.” Aniya, ang pagiging bakla at tomboy ay “part of humanity”.

Pagpapatuloy pa niya, “It’s not an anomaly, it’s not a disease, it’s not anything negative. It’s as much as God’s creation as being straight, so if anything, if I had a child who’s gay, I have to recognize [him or her]. Siyempre you don’t want to have a gay child because the future for that child is very uncertain, but you have to embrace everything that that child is kasi biyaya pa rin siya ng Diyos sa ‘yo, that’s my belief.”

Dagdag pa ni Lea, “It’s not necessarily a rebuttal because if I would write a rebuttal I would have been a little more combative.” 

Mukhang magagamit din ni Lea ang kanyang pagiging prangka sa bago niyang project, ang upcoming reality-based singing contest, The Voice of the Philippines, kung saan isa siya sa mga judges. “I am very excited and I’m also a little scared kasi I am known for being outspoken, very frank, and so I’m being encouraged by ABS-CBN na sinasabi nila sa akin, ‘You have to be honest with whoever who is in front of you. You have to be honest with your coaching, you have to be honest with your fellow judges.’”

Tinanong nga raw ni Lea kung sa palagay ba niya ay makakayanan ‘yon ng mga contestant at sumang-ayon naman ang tagapangasiwa ng programa. “I think all of us judges owe it to those who are in front of us, who we’ll try to mentor, to be completely straightforward and frank with them and because whatever we have to say, it’s not to put anybody down with whatever we have to say. Sana makakabuti rin sa kanila,” saad ni Lea.