• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo speaks up about Daniel Padilla and obsessive fans

Kathryn Bernardo speaks up about Daniel Padilla and obsessive fans

Kathryn Bernardo believes Kathniel fans will be open to her and Daniel Padilla being paired with other people.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/22/2013 8:55 AM
Kathryn Bernardo speaks up about Daniel Padilla and obsessive fans


032213-kathryn_main.jpgMatapos ipagtanggol ni Daniel Padilla ang isa sa mga kasama niya sa pelikulang Must Be Love na si Liza Soberano sa mga nang-aaway sa kanya at nangba-bash sa ilang mga social networking sites, nagsalita na rin si Kathryn Bernardo para depensahan si Liza. Ayon kay Kathryn, “Feeling ko naman kasi hindi naman kasalanan ni Liza yun kasi ginagawa naman niya yung trabaho niya. Pero kasi yung ibang mga Kathniel fans na ano lang silakasi first time ma-pair ni DJ sa ibana bago sa kanila yun.” May nais din siyang iparating sa nakatrabahong si Liza sa nakukuha niyang hindi magagandang kumento tungkol sa kanya. “And basta kay Liza maging strong lang siya at kapag nadaanan naman niya ito magiging tuloy-tuloy na e.”

Sa mga nakapanood na ng pelikula, marami ding mga kumento na nagsasabing lumalaban din ang chemistry ni DJ at nang ka-love triangle na si Liza at nagbigay din ng reaksiyon si Kathryn tungkol dito. Aniya, “Kagaya ng sinabi ko before, ayoko din naman hilahin pababa si DJ na kung mas malakas sila, bakit ko naman ipipilit kami? So kung ano na lang ang mas magandang chemistry or kung ano ang ibigay ng management sa next show, yun na lang yun. Saka happy ako kay DJ kung sinuman ang i-pair sa kanya.”

Natanong din sa dalaga tungkol sa mga die hard at possessive fans na bukas ang pagsasaad na ayaw nilang matambal sa iba ang isa’t isa. “Siguro yung iba hindi siguro possessive e more on super love lang talaga nila kami na ayaw kaming paghiwalayin ang I thank them for that. Kung paghiwalayin naman kami, I think sa umpisa lang sila mahihirapan pero Kathniel fans naman sila e. Saka ang maganda sa kanila kahit na magkahiwalay na kami, suportahan pa rin nila ako, suportahan pa rin nila si DJ kahit sino ang makalove team. Isa yan sa mga gusto ko sa Kathniels.”

Magkasama man sila ni Daniel o magkahiwalay, hindi na nga maikakaila ang kasikatan ng kanyang kapareha. Kahit saan magpunta si Daniel, nagkakagulo ang mga tagahanga sa kanya. Nakikitang umiiyak sa kanyang presensya, kinikilig at naghihiyawan ang mga ito. At nang kunan ng Push ang reaksiyon ni Kathryn tungkol dito, “Ang dami nga nagsasabi na ang swerte mo, ikaw ganyan-ganyan. Basta ingatan mo siya. Siguro ako lucky din ako na si DJ ang na-pair up sa akin. Pero ganun pa rin naman e kaya gusto siya ng mga tao kasi totoo siya sa sarili niya at iba siya.” At mas nagpapasalamat pa siya sa mga sumusuporta sa kanyang ka-love team, dagdag niya, “Kapag may mga girls sa kanila inaano ko din siya kasi di ba super kinikilig sila sa picture kaya sige go, go DJ magpapicture ka diyan kasi simple happiness nila yung mahalikan si DJ o mapicturan siya.”

At sa kabila ng lahat ng mga ito sa tanong na kung nararamdaman niya bang secured siya kay DJ, “Tanong niyo siya. Haha, okay lang, Depende kay DJ, oo naman siguro.” Ngunit sa kanya bang pakiramdam ay secured siya, “Oo, feeling ko naman po.”