• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Francisco appeals to John Prats; says he reacted out of concern for Melai Cantiveros

Jason Francisco appeals to John Prats; says he reacted out of concern for Melai Cantiveros

Jason Francisco explains why he punched John Prats and apologizes for his burst of emotions that led to their altercation.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

3/22/2013 2:56 PM
Jason Francisco appeals to John Prats; says he reacted out of concern for Melai Cantiveros


032213-jason_main.jpgInamin ni Jason Francisco na nasaktan niya si John Prats nitong Huwebes ng gabi sa taping ng "Banana Split" sa Music Museum sa San Juan.
Sa report ng Umagang Kay Ganda nitong Biyernes, inamin ni Jason na nagalit na siya sa madalas na panunukso nila John at kasamahan nito sa “Banana Split” sa dati niyang kasintahan na si Melisa “Melai” Cantiveros.

Nagawa ko talaga 'yon sa kanya. Parang napikon ako sa kanya. Kasi parang mayroon na kami dati na something na parang napipikon na ako. So parang ngayon lang dumating 'yung punto na parang nag-burst out sa damdamin ko, parang ang bilis ng pangyayari, na nagawa ko sa kanya 'yun. Kasi minsan 'yung tuksuhan, natutukso si Melisa so parang ako man ay nasasaktan para sa kanya, hindi niya alam 'yon," ani Jason na umaming nililigawan muli ngayon si Cantiveros.

Dahil sa nangyari, humingi ng patawad si Jason sa nasaktan niyang si John. Ayon pa kay Jason nais din niyang mabigyan siya ng pagkakataon na personal na makahingi ng tawad kay John. 

"Ako willing naman ako talaga, kung ano 'yung consequence na i-ano sa akin ni Kuya John. Kuya John, alam ko naman na mabait ka talaga. Alam ko na sobrang mahal mo si Melisa, kaya sana mapatawad mo ako. Kasi siyempre, lalaki ako at alam mo 'yung feeling ba na pagka alam mo na too much na 'yung ano mo (panunukso) kay Melisa. So, sana maintindihan mo bilang lalaki ba na nagmamahal. Humihingi ako ng paumanhin sa iyo, na sana ay patawarin mo ako sa nagawa ko," ani Jason.

Nitong Huwebes ng gabi, matapos ang insidente, nagtungo si John sa San Juan Police para ireklamo at ipa-blotter ang panununtok na ginawa sa kanya ni Jason. 

Aniya, nanunuod lang siya ng rehearsal ng “Banana Split” nang pagharap niya ay bigla na siyang sinuntok ni Jason. 

Sa isyu naman ng tuksuhan at asaran, sinabi ni John na naging normal na ito sa kanilang grupo.