• Home
  • Fresh Scoops
  • Yeng Constantino on getting over RJ Jimenez: 'Hindi naman ako dapat manghinayang'

Yeng Constantino on getting over RJ Jimenez: 'Hindi naman ako dapat manghinayang'

Yeng Constantino reveals her father allows her to go on dates now.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

3/21/2013 8:32 AM
Yeng Constantino on getting over RJ Jimenez: 'Hindi naman ako dapat manghinayang'


032113-yeng_main.jpgAfter performing at Singapore’s Academy of Rock opening last month, Yeng Constantino said she is excited about all the new things lined up for her this year. “May pinaplanong concert pero medyo confidential pa, hindi pa puwede. We’re working on it kasama ang isang idol ko rin sa music industry so fingers crossed kung ano man ang maging lagay ng aking future concert. Babalitaan namin kayo,” she shared.

The 24-year-old said she hopes to fulfill her desire of crossing over to the Asian market in the near future as well. “Gusto ko talaga sobrang desire ko talaga na makapaglabas ng OPM music sa Asia. Kung nakakapag-guest yung mga K-Pop artists dito sa Philippines, naniniwala din ako na kaya natin yun, promise with all my heart. That’s why siguro isa rin yun sa mga challenge sa akin to experiment kasi nga ang excellent nila eh, gusto mo lang rin maging excellent kasi sila yung katapat eh. Pero hindi sila something na parang threat to us. Isa sila sa mga footsteps para lalo ka pang mag-bloom as an artist,” she explained.

Yeng also shared that one of her goals is also to go back to school. “Before pa ako mag-25, plano ko na mag-Business Administration. Gusto kong kumuha ng course. Parang feeling ko mababaon ko siya in the future, kapag hindi na ako in the industry so while I’m here, gusto ko na rin i-seize yung moment na makapag-aral din ako. Kasi meron ng home schools eh so yun, gusto ko lang kumuha ng course na ganun,” she admitted.

When it comes to her love life, the talented singer has already become vocal about being open to having a boyfriend. But Yeng said she would understand why some guys would be intimidated to court her. “Naiintindihan ko sila, yung mga dati kong manliligaw na sinukuan na lang ako. Nainip talaga sila. Aminado naman ako dun. Pero naniniwala pa rin ako na meron pa ring maghihintay sa akin, walang makakapatay ng hope na yun sa heart ko,” she said.

The ASAP mainstay said she already has her father’s blessing when it comes to dating. “Pinapayagan na talaga ako ng tatay ko. Actually matagal na nga eh, so yung decision ko na hindi magka-boyfriend for the longest time ay desisyon ko lang talaga. Hindi yan controlled ng parents ko. Sobrang happy naman kasi ako kasi hindi naman ako kulong. So it’s just being responsible and siguro nag-iingat lang din ako nung mga nakaraang taon kaya hindi ako nag-boyfriend. Kaya ngayon, hindi naman sa hindi na ako nag-iingat pero naging vocal lang naman yung isip ko para din alam niyo yun. I’m 24 and siguro time na rin naman para makipagkilala naman ako,” she explained.

Yeng said she has long gotten over her former Pinoy Dream Academy co-alumni RJ Jimenez. “Nagkita lang kami sa music camp ni Mr. Ryan Cayabyab, eh songwriter din siya so sumali siya dun. Isa ako sa mga mentors tapos isa siya sa mga campers. So nagkamustahan kami, kinamusta ko sila ng girlfriend niya. Ang tagal nun, isa’t kalahating taon. Siguro nga, hindi pa lang dapat, hindi naman ako dapat manghinayang dahil darating talaga yung panahon na darating din yan sa mga puso nating mga single,” she admitted.

The currently red-haired songwriter said seeing RJ again made her reflect on a lot of things. “Honestly, nag-iisip din ako hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng mga babae na kakilala ko, parang minsan tinatanong ko, bakit hindi ko kayang maging normal na parang kagaya nila na kaya nilang mag-boyfriend? Bakit  ako, parang meron akong conviction na strong na i-save yung oo para that one. Minsan nga iniisip ko na sumagot na kaya ako ng oo, pero hindi eh. Kasi para sa akin yun yung greatest gift siguro na mabibigay ko to that person, na masasabi ko sa kanya na grabe, ikaw lang yung in-oo-han ko sa lahat because I can see na ikaw yung makakasama ko habang buhay. Siguro ang saya-saya niya. Parang sa akin din, kahit nag hirap hirap maghintay pero worth it for him kung sino man siya, it’s worth it,” she said.

Yeng said she is hopeful that she will meet her Mr. Right. “Hangga’t maaari nga, sabi nga nila mahirap nga yung ‘first boyfriend, last boyfriend’ pero hangga’t kayang i-challenge, hangga’t kaya tapos pag hindi, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero ang dami pang panahon sa tingin ko. naniniwala ko na nandiyan lang yung ‘The One’ para sa akin,” she explained.

For more updates on Yeng Constantino, log on daily to Push.com.ph and follow Push_Mina on Twitter.