• Home
  • Fresh Scoops
  • Melissa Ricks and Paul Jake Castillo have no wedding plans yet

Melissa Ricks and Paul Jake Castillo have no wedding plans yet

Melissa Ricks explains that she and boyfriend Paul Jake Castillo just enjoy each other's company and refuse to be pressured with wedding plans.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/21/2013 8:43 AM
Melissa Ricks and Paul Jake Castillo have no wedding plans yet


032113-pauljake_main.jpgSa unang pagkakataon ay nagkatrabaho ang real-life couple na sina Melissa Ricks at Paul Jake Castillo via the celebrity challenge show, Game On: The Chevrolet Sonic Celebrity Challenge na ipapalabas sa Studio 23 on April 6 and 13. Tinanong ng Push.com.ph ang dalawa kung willing ba sila na makatrabaho din ang isa’t isa sa mga acting projects. Ang ibang showbiz couple kasi ay mas pinipili na huwag makatrabaho ang isa’t-isa upang sa gayon daw ay hindi maging kumplikado ang kanilang relasyon.

Posible naman daw ito, sagot ni Melissa. “Mas comfortable, hindi ka nahihiya, tapos totoo na ‘yung hugot mo. Siguro it would be good to work with Paul Jake,” ayon kay Melissa.

‘Yun nga lang daw, pagdating sa competitive events, mas gusto nga raw niya na ‘di sila magsama. Ikinuwento niya na dapat daw ay magka-partner sila sa Minute To Win It subalit sinabi raw niya na siya na lang mag-isa ang maglalaro. “Kasi baka mag-away lang kami, kasi very competitive [si Paul Jake]. Nagagalit siya kapag ano…kailangan talaga [manalo siya],” sabi ng aktres.

Kaya naman natuwa silang pareho ni Paul Jake na nang i-tape nila ang challenges sa Game On: The Chevrolet Sonic Celebrity Challenge, ay hindi sila nagkaroon ng pag-aaway.

Pagdating naman sa usaping kasal, ayaw namang magmadali ng dalawa. “We’re not rushing into anything. Kaya siguro ganun kami [nagtagal],” paliwanag ng dalaga na isang taon at isang buwan na silang magkarelasyon ng boyfriend. “Di kami nagi-expect ng anything from each other. We’re just enjoying, having fun with each other. Iisipin mo along the way, marami pang mga pagsubok na pagdaraanan. There are so many things that can happen pa, you know. Wag nga daw tayong magsalita ng tapos. Baka naman pag nagsalita di mangyari, ma-disappoint tayo. We don’t expect anything from each other, we just enjoy our company and have fun and hindi kami like pressuring each other. We’re just taking our time enjoying [being with each other].”

Sinabi naman ni Paul Jake na hindi pa rin sila umaabot sa puntong napag-uusapan na nila ang kasal, pero nababanggit daw sa kanya ni Melissa ang kanyang dream house pero normal lang naman daw iyon.

Ideally, sinabi ng 23-year-old actress na gusto niyang maikasal kapag 26 to 27 years old na siya. “So matagal pa,” bulalas niya. “When you get married, you have to be committed talaga and you have to make the right decision. Di naman biro magpakasal, di ba? You’re going to spend your lives together.”

Sa kaso naman ni Paul Jake, na kilalang mula sa pamilyang may sariling business, gusto muna raw niyang maging stable. “I want to get married when I can stand on my own, when I can support my family. I just want to make sure I can support the family.” Kung makapaghihintay ba siya sa time frame na ibinigay ni Melissa na tatlo hanggang apat na taon, ang tugon ng binata, “We’ll see what happens in four years.” 

Sinabi ni Melissa at Paul Jake na hindi raw nila namalayan ang paglipas ng panahon. Naging matibay raw ang kanilang relasyon dahil wala silang itinatago sa isa’t-isa. This coming Holy Week magpupunta raw ang dalawa sa Siquijor together with Paul Jake’s family.