• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris announces she will give up showbiz for the sake of son Bimby

Kris announces she will give up showbiz for the sake of son Bimby

The Queen of All Media announces that she will tender her resignation to protect her son Bimby.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/21/2013 10:11 PM
Kris announces she will give up showbiz for the sake of son Bimby


032113-kris03_main.jpgTinutukan ng bayan ang pagsasalita ni Kris Aquino sa TV Patrol noong gabi ng Huwebes, Marso 21, nang magsalita ang actress-host sa mga akusasyong ibinabato sa kanya ng dating asawa, ang basketball player na si James Yap. Kasama ni Kris ang kanyang tatlong nakatatandang kapatid, sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada at Viel Aquino-Dee. 

Sa kalagitnaan ng panayam ng anchor na si Ted Failon sa Aquino sisters, napatigil ang lahat nang sabihin ni Kris na may iaanunsiyo siya na hindi alam ng kanyang mga kapatid at abogado. 

“My sisters don’t know that this is what I was going to say; my lawyer doesn’t know that is what I was going to say…” simula ni Kris bago niya ihayag ang importanteng anunsyo. 

Hihingi na ako ng paumanhin sa mga bosses natin (sa ABS-CBN). I asked myself on my way here because ilang beses kong nakausap si Bimb (Bimby), ilang beses ko siyang tinanong dahil alam ko na malalaman niya ang pagsasalitang ito. 

Tinanong ko siya, ‘Bimb, is it okay if mama will talk?’ Ted, it broke my heart because ang sinabi ng anak ko, ‘Mama, just say it’s Bimb.’ Sinabi ng anak ko na siya na lang daw… ganun kalaki ang pagmamahal niya para sa akin,” sa puntong ito ay naiyak si Kris. 

“So I asked myself paglaki niya kaya ko ba siyang harapin at sabihin na lahat kinaya kong isakripisyo para sa kanya? I’m stating this now categorically… I have to make a sacrifice.”

Pagpapatuloy ng Queen of All Media, “They don’t deserve this… my family doesn’t deserve this suffering. I don’t want to be selfish for the rest of my life. Humihingi ako ng paumanhin, lalong-lalo na sa lahat ng katrabaho ko na nandito ngayon. Sana maunawaan ninyo ako.” Sa puntong iyon ay lumabas sa bibig ni Kris ang desisyon niyang iwan ang kanyang career. 

“I have to do what’s best for my son and that means sacrificing this career, sacrificing this job. Inisip ko eh, bago ko sabihin ‘yan, may sapat na ba akong naipon para maging komportable kami? Siguro ito ang sinasabi ng mom ko dati na, ‘Sana matuto kang maging simple.’ The only way that I can tell my son when he’s an adult na, ‘Bimb, ginawa ko ang lahat para sa ‘yo. Isinakripisyo ko ang lahat para maging tahimik ang buhay mo…’ is kung kaya kong talikuran ang trabahong pinakamamahal ko. 

Sa totoo lang, eh kung pribado kaming tao, hindi kami pagpipiyestahan,” pahayag niya. “I’m giving up my shows.” Tatlo ang shows ngayon ni Kris, ang Kris TV, Pilipinas Got Talent at ang teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw. 

Dagdag pa niya, “Hindi ko sinasabi ‘yan just so I can say na I’m the one making the bigger sacrifice, no. Tinatalikuran ko ‘yung mundo na nakilala ko, na bumubuhay sa akin dahil higit dun sa karera ko, mas mahal ko ang anak ko. At paglaki ng anak ko, gusto ko talaga malaman niya (na) binigay ko ang lahat dahil nung nabubuhay ang mommy namin, ibinigay niya lahat para sa amin. Kaya ibinibigay ko ang lahat para sa anak ko. It’s not between James and me and who is telling the truth, it’s about how much I love my son. 

“Tama naman ang sinabi ng mga tao, kawawa na si Bimby so kailangan gawin ko ‘to para sa kanya.”  

Nang tanungin ni Ted si Kris kung ano ang ibig sabihin ng kanyang sinabi, pagdutong niya, “I’m tendering my resignation.”  

Ani Kris, ginagawa niya ito dahil bago ang interview, nakita raw niya kung gaano kaapektado ang anak niya. “Because my heart was breaking seeing how much my son was suffering. Hindi ginusto ni Bimby na maging ganito ang sitwasyon ng buhay niya pero at five years old, I owe him a future.” 

Ang sumunod na tanong ni Ted kay Kris ay kung panghabangbuhay ba ang desisyon niyang ito. 

“I don’t know. I can’t speak about forever. I can speak what’s best for my son at sa ngayon, sa puso ng isang nanay, ito ‘yung dinidikta sa akin… na gawin ko ‘to para sa anak ko,” sagot niya. 

Nagsalita rin ang dalawa sa tatlong nakatatandang kapatid ni Kris na sina Pinky at Ballsy bilang reaksyon sa pahayag ni Kris. 
Ani Pinky, “Gusto ko talagang sabihin, alam mo, lumaki naman kami most of our lives wala ‘yung father namin. Nakulong, namatay nang maaga, pero okay naman kami because we had a very strong mother. Siya ang aming role model. Tinuruan niya kami kung anuman ang unos na dumating sa buhay, malalampasan ‘yan.” Sa puntong ito ay nagdirekta ng mensahe si Pinky kay James. 

“James, alam mo, may fault si Kris. Hindi siya perpektong tao, but one thing… sobrang motherly nito. Alam ko ginagaya rin niya ang ways ng mom. Naglalagari, shooting (for) show number one, show number two, tatakbo sa swimming ni Josh, sa eskwela ni Bimb. ‘Yun talaga. Nakikita namin ‘yon. Hindi dahil kapatid siya, kundi she’s doing that for her boys.” 

Kinatigan naman ni Ballsy ang tinuran ni Pinky. “Totoo ‘yon nagulat ako sa sinabi ni Kris pero ganun na lang ang hanga ko sa ‘yo, Kris.” 

Dagdag pa ng eldest Aquino sibling, never nilang sinabihan si Kris na iwan ang showbiz. Aniya, kahit noong si Josh pa lang ang anak ni Kris ay umikot na ang mundo ni Kris sa anak. 

Pagpapatuloy pa ni Ballsy, “Nung dumating si Bimb, talagang ‘yung dalawa ang kanyang priority. Talagang anything for the two. Talagang number one (sila).”