• Home
  • Fresh Scoops
  • James Yap: "Yung sinasabi ni Kris na rapist ako, walang katotohanan 'yan'

James Yap: "Yung sinasabi ni Kris na rapist ako, walang katotohanan 'yan'

An emotional James Yap denies allegations that he made 'overt sexual advances' towards ex-wife Kris Aquino and rehashes what transpired between them during that fateful day.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

3/21/2013 12:27 PM
James Yap:


032013-james_main.jpgNaiiyak na naglahad ng kanyang panig si James Yap sa inihain ng kampo ni Kris Aquino na TPO o Temporary Protection Order, at ikinwento ang ayon sa kanya, totoong nangyari sa pagitan nila ng dating asawa. Ayon kay James nangyari ito ng magpapaalam na siyang aaalis na sa anak na si Bimby, “Magpapaalam na sana ako umalis ang sabi ko ‘Bimb kiss mo na si Papa kasi aalis na’. Sabi ni Bimb, ‘I don’t like.’ Tapos ako naman ang sabi ko, ‘Bimb kapag hindi mo kiniss si Papa iki-kiss ko si Mama.’ Tapos ang reaksiyon ni Kris, ‘Yuck, yuck,’ ganung yuck. Tapos lumapit ako kay Kris, hinawakan ko siya dito (sa braso) hinawakan ko siya, tapos paghawak ko sabi ko sa kanya, ‘Bimb look o, iki-kiss ko na yung Mama mo’, tapos si Kris biglang nagsabi na, ‘Sinasaktan mo ako!’ Parang sinasabi niya na Bimbs sinasaktan ako ng Papa mo tapos yung bata akala talaga sinasaktan siya. Nag-react yung bata tapos sabay hinawakan ko siya and then gumitna yung bata sa amin, tapos hinug siya tapos pag-hug niya gumaganun si Bimby, ‘No, no, no look at me,’ tapos hinug siya. Yung hinug niya nakatalikod sa akin si Bimb nakaharap siya tapos ang mukha ni Kris gumaganun-ganun siya tapos kaya sabi ko, ‘Ikaw talaga tapos sinusumbong ko kay Bimb na, ‘Look, look at your Mama’s face she is smiling.’ Tapos pag tingin ni Bimby galit-galitan nanaman siya,” paliwanag ni James sa panayam sa kanya ng TV Patrol nitong Miyerkules, Marso 20.  

Nagbigay din ng reaksyon si James patungkol sa isang sinasabing dahilan kung bakit naghain si Kris ng TPO ay ang diumano’y ‘overt sexual advances’ na ginawa niya sa dating asawa. “Tapos yung sinasabi ni Kris na rapist ako walang katotohanan ’yan. Never ko siyang sinaktan o kinagalitan ng kung anuman, takot ko lang.” 

At ayon sa balita gulat na gulat ang basketbolista sa naging reaksiyon ni Kris sa nangyari kaya naman ang kanyang emosyonal na saloobin tungkol dito, “Sinasabihan mo si Bimby ng masama about sa akin. Sinasabi sa akin ni Bimby at kapag tinatanong ko si Bimby sino nagtuturo sa iyo niyan, ‘Ikaw po ito?’ Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa ginagawa mo? Wala siyang ibang masabi e, ang sinasabi niya, ‘Baka nakalimutan mo 3 years pa yung brother ko.’”
 
Idiniin din ng basketbolista ang tunay niyang damdamin sa kanilang dalawa ni Kris Aquino. Ayon sa kanya, wala na siyang romantic feelings para sa dating asawa at talagang nagbibiro lang siya noong akmang hahalikan niya ito. “Hindi ako serious. Actually, naka-move on na ako. Kumbaga wala ng spark, as in wala, wala na talaga. Ang focus ko talaga yung anak ko.” Ayon sa balita, inamin ni James na kabado siya sa kalalabasan ng kasong ito pero ang nagtutulak sa kanya para gawin ito ay ang pagmamahal niya sa anak at para ipaglaban ang karapatan niya bilang Ama. Dagdag pa ni James, “Bimby, ginagawa ko ito dahil love na love kita.”

At ayon sa balita, nakapaghain na ang kampo ni James ng hold departure order bago ang pag-alis ni Kris papuntang France kung saan sila nakatakdang magbakasyon at bukas, Biyernes, maghahain naman ng comment opposition ang kampo ni James bilang sagot sa temporary protection order.