• Home
  • Fresh Scoops
  • Heart Evangelista's parents express utter disapproval towards Senator Chiz Escudero

Heart Evangelista's parents express utter disapproval towards Senator Chiz Escudero

Heart Evangelista's parents accuse the senator of disrespecting their family with the way he handles his relationship with the actress: 'Wala akong nakitang maganda puro pagka-arogante niya at pagkaba

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

3/21/2013 2:35 PM
Heart Evangelista's parents express utter disapproval towards Senator Chiz Escudero


032113-heart_main.jpgNakiusap ang magulang ng aktres na si Heart Evangelista sa nobyo nito ngayon na si Senator Francis "Chiz" Escudero na hiwalayan na ang kanilang anak.

Sa report ng TV Patrol mula sa isang press conference na ipinatawag ng magulang ni Heart na sila Cecile at Rey Ongpauco, inamin nito na hindi na maganda ang relasyon nila sa anak mula ng makarelasyon nito ang senador.

"This Mr. Escudero has never given us the courtesy of formally asking for my daughters' hands or even asking our permission to court her. We appeal to Mr. Escudero to leave our daughter alone for a cooling off period," ani Cecille.

"Never nagpakita ng respeto sa aming pamilya. Pupunta siya sa bahay namin nakainom, uupo nakasalampak sa upuan nakabukaka sa kanya," dagdag ng ina ng aktres.

"Wala akong nakitang maganda puro pagka-arogante niya at pagkabastos," pahayag naman ni Mr. Ongpauco.

032113-heart_main2.jpgMaliban sa pagiging arogante at laging pag-inom di umano ng senador, isinasang-alang din ng mga magulang ni Heart ang maaring maging buhay ng aktres sa hinaharap lalo't malayo ang agwat ng edad ng anak sa senador.

Iniisip din nila na hindi pa handa ang kanilang anak sa buhay mag-asawa sakaling magpakasal ito sa senador.

"Hindi pa siya handa maging isang asawa ng isang politician na napakatanda sa kanya. Hindi naman sanay si Heart sa gawaing bahay. Baby ’yan overprotective na sheltered masyado," ani Cecille. 

Anila, maari ding hindi makasal si simbahan si Heart at Escudero dahil hiwalay lang ang senador sa korte at hindi sa simbahan.

Sa isang statement, sinabi naman ng senador na nadadamay lang siya sa away ng aktres sa mga magulang nito.

"Sapat na siguro na sabihin ko muna ngayon na, bagaman ako aymedyo nadadamay, hanggat maari, ayaw kong manghimasok sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng isang anak at kanyang mga magulang. Sana din ay hindi ito panghimasukan ng iba upang sa gayon ay mananatili ang puwang na magkakaunawaan sila," ani Escudero.

Humingi naman ng dispensa si Heart sa senador dahil nadamay ito sa problema n’ya sa pamilya.

"Mahal ko si Chiz. Humihingi po ako ng paumanhin sa kanya at sa pamilya niya dahil nadadamay sila dito. Mahal ko ang mga magulang ko pero nasa tamang edad na ako at sana pagkatiwalaan at galangin nila ang mga desisyon ko," ani Heart.

--Photo courtesy of Heart Evangelista's official Instagram account