• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla defends Liza Soberano against bashers and talks about obsessive fans

Daniel Padilla defends Liza Soberano against bashers and talks about obsessive fans

Daniel Padilla says Liza Soberano is just doing her job and over-possessive fans should stop bashing her.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/20/2013 8:20 AM
Daniel Padilla defends Liza Soberano against bashers and talks about obsessive fans


032013-daniel_main.jpgHindi maikakailang ang tambalang KathNiel—Kathryn Bernardo at Daniel Padilla—ang pinakamainit na tambalan ng henerasyong ito. At sa kanilang pinakabagong pelikulang Must be Love, ang suportang binibigay ng kanilang mga fans ay mararamdaman sa lakas sa takilya ng nasabing pelikula.

Ito rin ang unang pagkakataon kung saan may karibal si Kathryn kay Daniel, ang baguhang aktres na si Liza Soberano. Ngunit may ibang mga fans na hindi maganda ang pagtanggap sa tambalan nina Liza at Daniel na nilalabas sa mga social networking sites. Nang natanong ng Push.com.ph ang bagay na ito kay Daniel, aniya, “Para sa akin naman, hindi naman tama na ganun din. Kasi umaarte lang naman kami e. Saka pang-ano lang yun sa amin ni Kath, pang-ikot lang, saka dapat huwag naman ganun. Trabaho lang naman yun.”

Marami din nakapansin na lumalaban ang malakas na chemistry nina Daniel at Liza, maliban sa talagang ka-love team na si Kathryn. “Ewan ko. Siguro naggawa lang namin yung part namin ng maayos,” paliwanag ni Daniel.

Ngunit siniguro naman ni Daniel na hindi totoo ang sinasabi ng ilan na may higit pa sa kanila ni Liza. At dinepensahan din ni DJ si Liza sa ilang mga naririnig ng dalaga na hindi maganda. “Wala naman siguro, ganun lang sa simula. Saka bakit naman kukunin si Liza sa umpisa kung hindi niya gagawin ng maayos di ba? Siguro ginawa niya ng maayos at mabuti.”

At sa kanyang pinakaunang pelikula, natanong ng Push si DJ kung ano ang pakiramdam na napanood niya ang sarili niya sa sinehan at maraming tao ang tumatangkilik sa kanyang pelikula. Hindi maitago ng batang heartthrob ang saya na kanyang nararamdaman sa pagkakataong naibigay sa kanya at sa kanilang tamabalan ni Kathryn. “Siyempre kasi sinehan na yun. Kung mawala man ako ngayon o sige kapag nawala ako ngayon tapos na. Pero bukas [pwede kong sabibihin na] nagkaroon ako ng palabas sa sinehan.”

Sa lahat ng ito, natanong ng Push si Daniel kung nahihirapan siya sa mga tagahanga na ang gusto lang ay sila ni Kathryn ang laging magkatambal. “Siguro katulad ng sinabi ko, nagtatrabaho lang naman di ba? Saka wala tayong magagawa e kung kami yung gusto ni Kath sa huli kami pa rin. Sa simula lang ganun siyempre hindi naman pwede sa story na kami lang ni Kath all the way mukha namang nakakabad trip yun ‘di ba?