• Home
  • Fresh Scoops
  • Jed Madela is proud to be included in the WCOPA Hall of Fame

Jed Madela is proud to be included in the WCOPA Hall of Fame

Jed Madela makes the country proud by becoming the first Filipino Hall of Famer in the WCOPA.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/19/2013 7:52 AM
Jed Madela is proud to be included in the WCOPA Hall of Fame


031913-jed_main.jpgIsa na namang malaking accomplishment ang nagawa ni Jed Madela dahil napili siya na mapabilang sa Hall of Fame ng World Championships of the Performing Arts (WCOPA) ngayong darating na Hulyo, 2013 sa Hollywood.

Sa July we’re going back to Hollywood. In-invite nila ako ulit to grace the 17th World Championships of the Performing Arts,” simula ni Jed nang makapanayam siya. “Sa mga ‘di nakakaalam, dun po ako sumali nung 2005. Dun ako sumali at nanalo.” Si Jed ang kauna-unahang Pilipino na nanalo bilang world grand champion title sa WCOPA.

“And this year, they invited me to receive an award. They’re giving me a Hall of Famer award sa (WCOPA) and ‘yung mga binibigyan nila ng award dito ay ‘yung mga tao who made a big impact in the industry where they’re in,” proud na pagbabalita ng singer.

Hindi maikakaila ang malaking karangalang iuuwi ni Jed dahil kabilang sa mga mabibigyan ng parehong pagkilala ay mga Hollywood icons kagaya ng singer-actress na si Liza Minnelli, ang singer na si Jennifer Holiday at ang action superstar na si Arnold Schwarzenegger. Humbling experience raw ito para kay Jed.

Tinawagan daw siya noong Disyembre at noong una raw ay inakala niyang binibiro lang siya. “Sobrang kinilabutan ako kasi unang-unang pumasok sa isip ko pag nawala na ako, at least nakaukit ang pangalan ko d’yan… forever na,” masayang balita ni Jed. “Pag wala na ako sa industriya… it depends… hindi natin alam… at least andyan na ang pangalan ko. It will be forever in the book and ‘yun ‘yung una kong naisip.”

Isasabay rin ang induction kay Jed sa WCOPA competition ngayong taon kung saan may mga representatives ang bansa sa nasabing prestihiyosong kumpetisyon. “Medyo malaki ‘yung team ng Philippines this year na pupunta sa World Championships. So aside from that award, excited ako sa team natin kasi ang daming magagaling this year,” lahad niya na may kumpiyansa.

Ang singer ang kauna-unahang Pilipinong mailalagay sa Hall of Fame ng WCOPA. “I think I’m the first Filipino, but I’m not sure if I’m the youngest. I’m the first Filipino na unang contestant ng World Championship na in-induct nila do’n.

Pagpapatuloy pa niya, “Usually ang ini-induct nila don ‘yung mga beterano na, ‘yung mga icons na. So sobra akong honored that they even remembered me… na i-nominate pa lang, tapos mapili as part of Hall of Fame.”

Kakatapos lang din daw gawin ni Jed ang kanyang upcoming album na all original ang laman. “It’s called Jed Madela: All Originals. First album with Star Records and I’m so happy [because] finally I get to sing all original brand new songs.”

Susubok din ng ibang music genre si Jed in his new album. Nakilala si Jed sa pagkanta ng mga ballads at high notes. “Lahat ng songs may potential maging single. It’s a new sound for me. Pag sinabing Jed Madela ang unang papasok sa isip ng tao, ballad tsaka birit,” aniya.

Sa bagong album daw niya ay ipapakita niya na mahusay rin ang mga Filipino composers na gumawa ng mga kantang classic, R&B, at upbeat pero tatak Pinoy.