• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz reveals what made him emotional just recently

John Lloyd Cruz reveals what made him emotional just recently

The actor says it's amazing that people say he did something right when he thinks otherwise at times.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/17/2013 11:26 PM
John Lloyd Cruz reveals what made him emotional just recently


031813-jlc_main.jpgHindi napigilan ni John Lloyd Cruz ang maging emosyunal kahapon sa The Buzz, para i-promote ang upcoming movie nila ni Sarah Geronimo, ang It Takes A Man And A Woman. Ang nasabing pelikula ay ang third installment ng nauna nilang movie na A Very Special Love (2008) na sinundan pa ng You Changed My Life (2009). 

Nang matanong sa pagiging emosyunal niya, ang naluluhang pahayag ng aktor, “Mari-realize mong, ‘wow, may ginawa ka palang (tama).’ Ganun pala. Iba pala ‘yung… minsan kasi iba ang tingin mo sa sarili mo, tapos sa ibang tao pala okay ka naman pala. Ang galing, ang galing, galing. It makes you appreciate yourself a lot better.” 

Sa showbiz daw kasi may mga pagkakataon na kaya kang baguhin nito. “It can make you a not so better person. ‘Yun ang challenge, eh,” anang aktor. 

Looking back, sinabi ni John Lloyd na hindi naman talaga dapat niya gagawin ang A Very Special Love with Sarah noon. “I was supposed to do a movie with another leading lady and then hindi pwede, so sabi nila ito na lang… gawin natin ito.”  

Puring-puri si John Lloyd ng kanyang mga naging leading ladies sa mga pelikula gaya nina Bea Alonzo, Angel Locsin, Toni Gonzaga at Sarah dahil sa husay niya sa pagiging aktor. 

Gayunpaman, aminado rin siya na may pressure sa kanya dahil sa mataas na tingin sa kanya bilang de-kalibreng aktor. “Ang dami dyan na tunay na mahuhusay at tunay na dedicated at talagang magaling. Minsan nga (o) madalas nahihiya ako kapag nakakasama ko ‘yung talagang mga tinitingala sa larangan ng pag-arte na para sa ‘yo, sa standards mo, ‘yung talagang magaling. Pero minsan syempre kapag ‘yung ibang tao ang nagsasabi (na mahusay ka), alangan naman sabihin mo, ‘Naku, hindi po, wag n’yo akong bolahin.’ Magpapasalamat ka na lang. It inspires me na next time I’ll do better para maabot ko ‘yung sa tingin ko ay nararapat.” 

Ang third installment daw na movie nila ni Sarah ang last movie nila together pero pakiusap ni John Lloyd, “No. Wag, wag, wag.” 

Sa tanong naman kung bakit gusto niyang leading lady si Sarah, ang sagot ng aktor, “Si Sarah talaga since day one, since that Maalaala Mo Kaya episode, since then hanggang ngayon and naniniwala ako, we will always have this very special connection. Hindi siya chemistry. It’s a gift. Iba ‘yung sa amin ni Bea, iba ‘yung sa amin ni Angel, iba ‘yung sa amin ni Toni.” 

Hindi naman daw siya sigurado kung panonoorin ng girlfriend niyang si Angelica ang pelikula nila ni Sarah, although self-confessed fan si Angelica ng Lloydy-Sarah love-team. Ayon pa kay John Lloyd, sa pelikula kasi nila ni Bea na The Mistress ay hindi nanood si Angelica. 

Nilinaw rin ni John Lloyd na wala pa siyang intensyong mag-retire from acting.  

Hindi ko sinasabing matanda na ako, I’m still very young. I really want to achieve that quality of life (when) I want to spend more quality time with my family, with my loved ones, with myself. Nagtatrabaho tayo para sa sarili natin and gusto natin ma-enjoy ‘yon. Hindi naman ibig sabihin early retirement; three years from now, 5 years, wala na ako. Kasama na rin dun ‘yung better choices when it comes to projects.” 

Ang It Takes A Man And A Woman ay magbubukas sa mga sinehan sa Marso 30.