• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee reveals why he decided not to attend Julia Montes' upcoming 18th birthday

Enchong Dee reveals why he decided not to attend Julia Montes' upcoming 18th birthday

The actor says that he does not want to make any fuss on Julia Montes' special day so he decided not to attend the event.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/17/2013 10:55 PM
Enchong Dee reveals why he decided not to attend Julia Montes' upcoming 18th birthday


031813-enchong_main.jpgExcited si Enchong Dee na makasama sa family comedy-drama movie na pagbibidahan nina Angel Locsin, Bea Alonzo, Shaina Magdayao at Toni Gonzaga. 

Kamakailan ay nagkaroon na sila ng story conference at kumpleto ang limang bida. Sa panayam ng The Buzz, natanong kay Enchong kung ano ang expectations niya sa gagawing pelikula. “Gusto ko lang maging aktor dito sa pelikula,” bungad niya na may halong pagbibiro. 

Gusto ko lang mapalapit sa lahat ng kumukumpleto ng pelikulang ito. Bibihara magkaroon ng ganitong proyekto, so might as well i-enjoy,” seryosong sagot ng binata. 

Samantala, gaganapin na sa March 19, Martes, ang 18th birthday ni Julia Montes na dati na ring na-link kay Enchong. For a time ay nagkaroon ng mutual understanding ang dalawa at inamin naman nilang kulang na lang ay ideklarang opisyal na sila na nga, subalit underage pa raw kasi si Julia noon. 

Gayunpaman, late last year ay nagkaroon ng falling apart ang dalawa at naputol ang kanilang gumagandang relasyon bago pa man mauwi sa pagiging sila. 

Sa interview ng The Buzz sa aktor, kinumpirma ni Enchong na nabigyan siya ng imbitasyon na dumalo sa debut ni Julia subalit siya na mismo ang tumanggi. “Yes, I was invited… actually na-receive ko yung invitation pero I personally declined,” pag-amin ni Enchong. “Sabi ko, ‘I can’t make it.’ 

Sinabi ko rin it’s her night, so I wanted lahat naka-focus sa kanya. Kumbaga I wanted that to be her night.”