• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin relates that Nora Aunor personally congratulated her for her acting award

Angel Locsin relates that Nora Aunor personally congratulated her for her acting award

The actress relates she was star-struck and charmed by Ate Guy.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/17/2013 10:54 PM
Angel Locsin relates that Nora Aunor personally congratulated her for her acting award


031813-angel_main.jpgSunud-sunod ang awards na natatanggap ng aktres ni Angel Locsin. Matapos niyang mapili at mahirang sa USTv Awards bilang Student Leader’s Choice, siya rin ang nag-uwi ng Movie Actress of the Year award mula sa katatapos na 29th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club o PMPC para sa pagganap niya sa pelikulang One More Try. Kabilang sa mga nakalaban ni Angel ay sina Nora Aunor, Vilma Santos at Gina Alajar. 

Sa The Buzz kahapon, Marso 17, hindi pa rin makapaniwala ang aktres sa kanyang recent award. Mapagkumbaba namang nagpaliwanag ang aktres na hindi porke’t siya ang nag-uwi ng award ay nangangahulugang mas mahusay siya kesa sa kanyang mga kalabang mas beterano. “Pag binibigyan tayo ng parangal, pag ikaw ang nanalo hindi naman ibig sabihin ikaw ‘yung pinakamagaling,” simula ni Angel. “Siguro nagkataon lang na siguro may nakita sila na di mo dating ipinakita, o pwedeng binigay muna sa ‘yo bilang nakakabagong artista. Pwedeng ganon ‘yung akin.” 

Punung-puno naman ng pasasalamat ang aktres sa nakuha niyang award. “Sa hirap ng trabaho natin, ang laking tulong ‘yung ma-appreciate at masabing, ‘Ay, tama ‘yung ginagawa mo.’ Natuwa lang ako na binigyang-pansin ang effort (ko) talaga.” 
Kung napansin man daw ang kanyang pag-arte sa One More Try, sinabi ni Angel na pinag-aaralan daw kasi niya ang mga role na ibinibigay sa kanya. “Ako ang pinakakritiko talaga (ng sarili ko).  Ako ‘yung, ‘Ay, baka hindi nararamdaman ng tao dahil sa mga insecurities ko.’ Mas nagsisipag ako, mas nage-effort talaga ako na hindi ako ‘yung nagpapakakampante na, ‘Ay, lalarunin ko ito.’ Pinag-aaralan ko talaga siya,” sambit ng aktres. 

Maswerte rin daw siya na nabibigyan siya ng magagandang proyekto. 
 
Samantala, puno rin ng paghanga si Angel kay Ate Guy dahil personal pa raw siyang nilapitan at binati ng Superstar pagkatapos ng awards night. 

Pagkatapos ng awarding feeling ko na-high blood yata ako, kasi parang sumakit talaga ang ulo ko. Tapos nagbigay ako ng napakawalang kwentang speech sa history ng lahat ng history yata… parang ganon.” 

Karangalan na raw na mahilera ang kanyang pangalan sa mga magagaling na aktres kaya naman nabigla raw siya nang matawag ang kanyang pangalan. Para raw mahimasmasan ay niyaya niya ang kanyang mga kasama na kumain muna pagkatapos ng awarding. 
Pagdating sa restaurant, naroon pala si Ate Guy at nakita na lang nina Angel na lumalapit sa kanilang kinapupwestuhan. “Tapos niyakap niya ako, tapos nag-congratulate siya sa akin. Iba ‘yung karisma, ‘yung magic talaga. Tapos nagpaalam pa nga ako, ‘Ate Guy, pwede pong magpa-picture,’” kwento ni Angel. 

Samantala, hindi pa naman daw sila nagkakausap ni Ate Vi. “Alam ko si Tita Vi masaya ‘yon para sa akin,” saad ni Angel. Si Angel ay close kay Ate Vi na ina ng dating boyfriend ni Angel na si Luis Manzano. 

Ang susunod namang pagtutuunan ng pansin ni Angel ngayon ay ang family drama comedy movie na kinabibilangan din nina Bea Alonzo, Shaina Magdayao, Enchong Dee at Toni Gonzaga.