• Home
  • Fresh Scoops
  • Nikki Gil is thankful that boyfriend Billy Crawford is understanding about her work

Nikki Gil is thankful that boyfriend Billy Crawford is understanding about her work

Nikki Gil says that boyfriend Billy Crawford is a mature enough to understand the demands of her work.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/16/2013 10:35 PM
Nikki Gil is thankful that boyfriend Billy Crawford is understanding about her work


031713-nikki_main.jpgKatatapos lang ni Nikki Gil na gawin ang stage play na They’re Playing Our Song at inamin niya na may mga pag-uusap na maaaring magkaroon ng re-run. Hoping for the best naman ang singer-actress.

Aminado naman ang dalaga na napapamahal na sa kanya ang paggawa ng stage plays. “Na-in love nga ako sa theater and I find myself nae-enjoy ko siya; nagu-grow ako as an artist kapag nagti-teatro and I love the people I work with,” pahayag niya.

Kinumpirma naman ng aktres ang naunang pahayag ng boyfriend na si Billy Crawford na hindi siya nagselos nang magkaroon ng intimate scenes ni Nikki at Patrick Garcia sa pilot week ng teleseryeng Apoy Sa Dagat. Katwiran pa ni Nikki, “Hindi na bagets si Billy, hindi na rin naman ako bagets. Tsaka alam naman na rin niya na hindi ako ganun sa totoong buhay. Alam naman niyang role lang ‘yon.”

Pagpapatuloy pa ni Nikki, kahit naman sa real-life couple na madalas gumawa ng intimate scenes sa pag-arte ay hindi pa rin madali para sa ka-partner, ano pa kaya siya na hindi naman laging nagkakaroon ng ganoong eksena.

Kinumpirma rin ni Nikki na alam ni Billy ang tungkol dito kaya kahit paano ay napaghandaan na niya. Kuwento pa ni Nikki tungkol kay Billy, “Sabi lang niya, ‘Naiintindihan mo naman siguro kung di ko na lang papanoorin.’ And for me, oo naman [naiintindihan ko]. It takes a mature man to be able to handle that and I’m very thankful si Billy, eh mature na tao, alam niyang trabaho lang.”

Naitanong din sa singer-actress ang sinabi ni Billy na naniniwala siyang deserve ni Nikki na magkaroon ng mas maraming pang acting projects dahil sa husay nito. “Of course he will say that, he’s my boyfriend,” katwiran ni Nikki. “Sana [magkatotoo]. Any artist would hope for a good [project]… na magpatuloy kung anuman ‘yung magagandang bagay na nangyayari sa karera nila, so sana nga magdilang-anghel si Billy.”

Wala pa raw confirmed project na gagawin si Nikki pero may mga usap-usapan dawn a posibleng magkaroon ng proyekto.  “Hangga’t di pa umeere, minsan na-shoot mo na, di pa umeere. [Kaya] hanggang di pa umeere I’d rather wait for whatever it is a umere.”