• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo's dad doesn't want her to enter a romantic relationship yet

Kathryn Bernardo's dad doesn't want her to enter a romantic relationship yet

Kathryn Bernardo's dad speaks up about the young actress's closeness with leading man Daniel Padilla.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

3/16/2013 11:23 PM
Kathryn Bernardo's dad doesn't want her to enter a romantic relationship yet


031713-kathryn_main.jpgNakiusap ang ama ni Kathryn Bernardo na si daddy Teddy sa leading man ng anak na si Daniel Padilla na kung maari ay huwag munang ligawan ang dalagita.

"Dapat," tugon ng ama nang matanong kung hindi muna na dapat ligawan ni Daniel ang kanyang anak.
Nagbigay ng pahayag si daddy Teddy nang dumalo ito sa contract signing ng anak sa Star Cinema.

Pero giit ng ama ng batang aktres, masaya siya sa closeness ni Daniel at Kathryn bilang magkaibigan.
"Oo na-appreciate ko yung (friendship) pati yung closeness nila pero hanggang doon na lang muna."

Sa panayam ibinahagi din ng ama ang kanyang kasiyahan sa matagumpay na karera ng anak.
"Sa totoo lang talaga, ini-expect ng lahat ng magulang 'yon pero hindi this fast, nakakakilabot," aniya.

Matapos ang pelikulang Must Be...Love, nakatakdang gumawa ng bagong serye si Kathryn at Daniel na kinakiligan ng marami sa royal seryeng Princess and I."