• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Montes has one wish for her upcoming 18th birthday: 'Dad ko!'

Julia Montes has one wish for her upcoming 18th birthday: 'Dad ko!'

Julia Montes wishes her dad would be a part of her grand debut.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/16/2013 10:39 PM
Julia Montes has one wish for her upcoming 18th birthday: 'Dad ko!'


031713-juliam_main.jpgNakausap ng PUSH sa launch ng bagong product endorsement ni Julia Montes ang dalaga tungkol sa nalalapit niyang debut sa darating na Martes, March 19. Maraming preparasyon ang nagaganap para sa kanyang fairy tale-themed debut. “Marami na, medyo hectic na at ramdam na ramdam na namin na sobrang lapit na. And medyo iba ito sa typical na ginagawa nila so in a way medyo may pagka-ASAP daw, so mix-mix na may pagka-production in a way.”

Inamin ni Julia na halos lahat ng preparasyon ay ipinapaubaya na niya sa mga nagaasikaso ng engrandeng selebrasyon na ito ngunit iginiit ng batang aktres na halos lahat ng konsepto at ideyang kanyang ibinigay ay naggawa at nakukuha ng mga nag-aasikaso nito. Aniya, “Pinapaubaya ko na lang kasi nakuha naman nila yung gusto ko. Yung pinaka-theme na gusto ko nakuha nila so pinapaubaya ko na lang sa kanila yung idea pero nagba-base sila sa opinion na pinagpipilian ko.”

Kahit na pinapaubaya niya ang halos lahat ang pagaayos ng kanyang party, tutok pa rin ang dalaga sa kanyang nalalapit na birthday celebration at sa mga mangyayari dito. Ngunit hindi nito itinatanggi na umaasa siya na may sorpresa sa araw na ito.“Mahilig talaga ako sa surprise. Parang ako yung tao na kapag sobrang simple lang yung ibibigay mo basta sobrang surprise yun, okay ako. Yun medyo ano ako, assuming na may surprise. Dapat may surprise para mas masaya,” ang nangingiting sagot ng dalaga.

Naibahagi na rin ni Julia sa kanyang escort sa gabing iyon, na si Coco Martin ang ilan sa mga mangyayari sa kanyang debut. “Nagkaroon siya ng idea kasi nagkwento ako sa kanya ng theme, kung paano yung magiging feel ng ano, na parang binigyan ng idea na sabi ng coordinator iba nga daw yung [gagawin ng] escort.”

Televised din ang gagawing debut ni Julia Montes na mapapanood sa ABS-CBN. Marami nang nag-aabang at nakatutok sa engrandeng selebrasyong ito kaya naman nagbahagi na rin si Julia ng ilan sa aabangan ng kanyang mga taga-hanga. “Emosyonal. Makikita nila si Mara (ang totoong pangalan ni Julia), hindi si Julia kasi talagang sentimental ako na magugulat sila na simpleng bagay lang ang bilis kong maiyak.”

Para sa kanyang birthday wish, mabilis ang naging sagot ni Julia nang tanungin siya tungkol dito. “Dad ko. Siyempre Dad ko pa rin, yung maging buo yung feeling na nandiyan yung Dad ko.