• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu on Maja Salvador's wish for reconciliation: 'Hindi ko po alam'

Kim Chiu on Maja Salvador's wish for reconciliation: 'Hindi ko po alam'

Kim Chiu refuses to comment on Maja Salvador's recent statement that the latter remains a true friend to her despite all that happened between them.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

3/15/2013 11:12 AM
Kim Chiu on Maja Salvador's wish for reconciliation: 'Hindi ko po alam'


031513-kim_main.jpgNaging matagumpay ang pagganap ni Kim Chiu bilang host ng PMPC Star Awards for Movies sa AFP theater noong nakaraang linggo. Ito ang ikalawang hosting stint ng aktres pagkatapos ng Himig Handog Finals at mukhang nag-e-enjoy siya sa pagdalo sa mga ganitong klaseng events. Maganda rin kasi na nae-expose si Kim sa ibang larangan bukod sa pag-arte.

Sa kabila nito ay hindi nakaligtas si Kim sa isyu tungkol sa patuloy na alitan nila ni Maja Salvador. Pagkatapos ng program ng Star Awards for Movies ay kinunan siya ng reaksyon ng press tungkol sa pahayag ni Maja na umaasa pa rin itong magkaayos sila. Ani pa ni Maja sa nasabing interbyu, “Di ko man maibalik ‘yung friendship na kung anuman meron kami, pero sana in time ma-realize niya, ng lahat na andito ako bilang totoong kaibigan.” 

Ngunit minarapat ni Kim na hindi muna magbigay ng komento tungkol sa nasabing isyu. “Uhm...Hindi ko po alam,” paiwas na sagot ni Kim. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nasaktan ang huli dahil sa nasira nilang pagkakaibigan ni Maja. 

Samantala, tinanong din si Kim kung masasabi niyang nakatulong ang kanilang alitan ni Maja upang mas maging interesado ang mga manonood sa teleserye nilang Ina Kapatid Anak na patuloy sa pagiging top-rater sa ABS-CBN Primetime Bida. Ngunit iginiit ni Kim na parte talaga ng istorya ng kanilang programa kung ano man ang hidwaan sa pagitan ng mga karakter nina Celyn (Kim) at Margaux (Maja).

“The story itself ng Ina Kapatid Anak, sa una pa lang sinubaybayan na siya ng tao, ganon talaga takbo ng kwento and nagpapasalamat kami dahil tuloy-tuloy ang suporta ng tao at nandiyan pa rin sila para panoorin kami everyday.”

Ayaw na rin ni Kim magsalita pa kung paano sila nanatiling propesyunal ni Maja sa set sa kabila ng kanilang ’di pagkakaunawaan sa totoong buhay. “Huwag muna natin pagusapan ’yan. Parang ang tagal na po kasi ng issue na ’yan. Parang paulit-ulit na lang po eh,” kalmadong sambit ng aktres.