• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla all set to invade the Big Dome with his 'old rock' repertoire

Daniel Padilla all set to invade the Big Dome with his 'old rock' repertoire

Teen idol Daniel Padilla is thrilled to share his love for 'old rock' music to his fans at his upcoming birthday concert.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

3/14/2013 8:23 AM
Daniel Padilla all set to invade the Big Dome with his 'old rock' repertoire


031413-daniel_main.jpgHanda na ang batang aktor na si Daniel Padilla para sa kanyang nalalapit na birthday concert sa Araneta Coliseum sa April 30.

Makakasama ni Daniel sa concert ang kanyang grupong "Parking 5" at "Princess and I" co-stars na sila Khalil Ramos, Enrique Gil at Kathryn Bernardo.

Sa guesting nito sa "KrisTV," sinabi ni Daniel na "old rock" ang tema ng kanyang palabas kung saan aawitin niya ang ilan sa pinasikat ng grupong "Beatles."

"Saka maganda ang theme. Hindi lang ito basta concert, parang babalik kayo sa '60s. Ako nag-isip, kasi gusto ko ng 60s, '70s rock . Classic rock tulad ng Beatles at pati 'Grease' pinasok ko din (John Travolta). Pero favorite ko Beatles talaga, yun talaga," Padilla said.

Paliwanag ni Padilla, daan niya din ang nasabing concert para ipakilala muli sa mga kabataan ang dating mga awitin.

Payo pa ng aktor na dapat ay matutunan muli ng mga kabataan ang makinig sa mga lumang tugtugin.

"Yup. Kasi medyo 'yung kabataan ngayon ay nakikinig na sa olat na music, talo. Hindi 'yon tama, walang meaning. Dapat ang pakinggan niyo 'yung totoong music, kung saan nanggaling ang music. Bata pa lang ako nakikinig na ako ng Queen, 'yung talagang old rock," he said.

Pag-amin ni Padilla, ang dati niyang step-father na si Naldy Padilla ang naka-impluwensiya sa kanyang choice of music.

Si Naldy ay dating miyembro ng bandang Orient Pearl na umawit ng mga kantang "Pagsubok" at "Kasalanan."