Angel Locsin says that she's happily stress-free

Angel Locsin says that being happy with the different aspects of her life is the ultimate beauty secret.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/14/2013 11:01 AM
Angel Locsin says that she's happily stress-free


031413-angel_main.jpgSa muling pagtanggap ni Angel Locsin ng pagkilala bilang USTv Students’ Choice of TV Personality, taos puso ang pasasalamat ng aktres hinid lang sa pagtanggap ng panibagong award kungdi ang hindi paglimot sa kanya ng kanyang Alma Mater. Aniya, “Hindi na nga ako estudyante dito pero nakahabol pa akong bigyan ng award kaya maraming salamat siyempre malaking bagay na yung dating school mo narecognize ka. Hindi man perfect ang record mo and all pero ipinagmamalaki ka nila, mga kapwa mo Thomasians kaya maraming salamat talaga. Siyempre kung anuman ang na-achieve ko dahil din naman sa kanila.

Napag-usapan din ang papalapit na Holy Week at ang kanyang plano sa mahaba-habang bakasyon na ito. “Kasi wala pa talaga akong plano, nag-uusap pa lang kami pero usually kapag walang plano sa Batangas lang kami. May bahay kasi kami dun at ayoko talaga umaalis ng Holy Week. Gusto ko kasi dun, bahay mo pa din, mas solemn kasi yun.”

Wala pa mang konkretong plano para sa bakasyon si Angel at ang kanyang pamilya, siniguro naman niya na dapat ay makapagkita at magkasama sila ng kasintahang si Phil Younghusband, “Siguro dapat magkasama kami. Siyempre kasama niya yung mga kapatid niya, ako kasama ko yung family ko, pero may araw na dapat magkasama kami. Hindi pwedeng walang araw na hindi kami magkasama nun siyempre kailangan kasama siya.”

Hindi rin maikakaila ang malaking ibinawas ng timbang ni Angel ngayon, at ang magandang aura at maaliwalas na disposisyon. Nang natanong si Angel kung ano ang kanyang inspirasyon dito, aniya, “May proyekto kasi kaming hinahanda ni Bea (Alonzo), ni Shaina (Magdayao), ni Toni (Gonzaga), ni Enchong (Dee) at marami pang iba with Direk Cathy (Garcia-Molina). Naghanda talaga ako kay Direk Cathy kasi alam naman natin ang Cathy Garcia Molina diet.”

At dagdag din ni Angel sa tunay na nagpapaganda ng kanyang pananaw sa buhay, “Actually kapag happy ka, walang stress ganyan.”