• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao on Piolo Pascual: 'Natutuwa lang ako at naa-appreciate niya ako'

Shaina Magdayao on Piolo Pascual: 'Natutuwa lang ako at naa-appreciate niya ako'

Shaina Magdayao says she does not want to assume anything when it comes to the attention that Piolo Pascual and Sam Milby are showing her.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/13/2013 11:00 AM
Shaina Magdayao on Piolo Pascual: 'Natutuwa lang ako at naa-appreciate niya ako'


031313-shaina_main.jpgMay pag-agam-agam sa pananalita ni Shaina Magdayao nang tanungin siya noong March 12 tungkol sa madalas nilang “bonding” ni Piolo Pascual. Kahapon kasi ay nag-story conference para sa upcoming movie ni Shaina kasama sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Enchong Dee at Toni Gonzaga. 

Hindi ko talaga… ayokong bigyan ng malisya kung anumang friendship meron kami [ni Piolo],” simula ni Shaina. “But I just want to say thank you dahil naa-appreciate niya ako bilang tao.

Dagdag pa ng dalaga, hindi raw maganda na sa kanya manggaling ang pagbubunyag kung ano ang estado ng kanilang “relasyon.” “Parang pangit na pangunahan or pangit na bigyan ng malisya ‘yung friendship na ibinibigay niya sa akin. Natutuwa lang ako at naa-appreciate niya ako,” pa-safe niyang sagot.

Nauna rito, sa isang interview ay kinumpirma naman ni Piolo na nagkakasama sila ni Shaina sa mga aktibidad kagaya ng jogging, badminton at yoga. “Kalma muna ako, makikinig muna ako sa lahat,” ani Shaina nang tanungin kung ready na ba siyang magkarelasyon. “I really just want to enjoy para magaan lang ang buhay ko. Working, exercising… lahat ng taong nakapaligid sa akin ngayon magaan kasama.”

Bukod pa rito, ipinahayag din ni Sam Milby ang kanyang paghanga kay Shaina, pero sa ngayon ay wala pang balitang pinopormahan na ni Sam ang aktres. Ang tugon ni Shaina, “Alam n’yo nahihiya ako na sa akin manggaling… sa babae manggagaling [ang pagsasabi kung ano na ang estado ng relasyon] but nakaka-overwhelm din siya kasi di ko talaga ine-expect na maa-appreciate nila ako or gugustuhin nila akong kilalanin pa, at they’re good men.  Masarap silang kausap, mabuti silang kaibigan. Hindi naman kami lahat ngayon lang nagkakilala… dati pa magkakaibigan na kami.”

Nang direkta siyang usisain kung sino kina Sam at Piolo ang mas matimbang para sa kanya, ang sagot ng dalaga, “Ayoko ngang bigyan ng malisya kung anuman ang ipinapakita nila ngayon. Right now I’m just going to appreciate ‘yung friendship na naibibigay nila sa akin at appreciation na ipinapakita nila sa akin. Ayokong isipin or ayokong sa akin manggaling… nagpapasalamat lang ako.

Ang last boyfriend ni Shaina ay si John Lloyd Cruz na karelasyon naman ngayon ni Angelica Panganiban na dating kaibigan ni Shaina. Sinabi ni Shaina na sa ngayon ay wala nang galit sa kanyang puso sa tulong ng paglipas ng panahon. “’Yun ang una kong dinasal, ‘yun ang una mong idadasal, na mawala ‘yon [sakit sa dibdib at galit]. Di ka makakapag-fully move on kung andun ‘yon sa puso mo,” aniya.

Masasabi raw ni Shaina sa kasalukuyan na buo na ang paghilom ng kanyang puso.  “You have to be free from it, from all the negativity para maging totoong masaya ka,” aniya. 

Gayunpaman dahil sa kanyang failed relationship in the past ay mas maingat na raw siya bago pumasok sa relasyon. “Gusto mong mas ingatan ang puso mo this time around, but basta nae-enjoy ko lang lahat ng nangyayari.”